154: Matapang
“MAKAKASAMA sa baby mo kung hindi ka kakain Moi,” paki-usap ko kay Moira ng puntahan ko ito sa
kuwarto. Nagmukmok pa rin ito dahil sa nangyari sa ama nito. At nauunawaan ko naman ang
nararamdaman ni Moira. “Kailangan mo rm ng lakas. Higit kanino man ang mommy mo ang nahihirapan
ngayon, alam mo ‘yan.”
“Ang sama ko lang kasi Yuri, pakiramdam ko. Habang buhay kong pagsisisihan na hindi ko binigyan pa
nang pagkakataon si Dad. Ang sama ko,” bakas ang pait sa mata nitong namamaga na sa kakaiyak.
“Moira, mahal mo lang ang mommy mo. Kaya ka galit sa dad mo. Pero alam kong alam mo na nauunawaan ka nang Daddy mo. Mabuti pa bumaba na tayo. Kailangan ka rin ng mommy mo.” paki-usap
ko dito.
Saka pumunta na rin pala si Clarence sa police station, nahuli na ang driver. Kaya sigurado akong
makukulong ang lalaking iyon.” Sukat doon ay napatitig ito sa akin, ang mga mata ay naniniguro kaya
napatango ako dito.
Noon lang sumigla ang mukha ni Moi, kaya bumaba na ito.
Pero nagulat kami dahil sa ingay sa ibaba.
“At sino ka para pumunta sa pamamahay namin ng asawa ko.” matapang na usig ni Tita Thesa sa babaing
kaharap nito. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Moira sa braso ko.
“Thesa….” samong usal nang babaing sapo ang leeg nitong may neck brace at cast sa braso. Kaya hindi ko
na kailangang hulaan kung sino ang babae. Ang mistress ng ama ni Moira. Sa hitsura nang babae
mukhang nagpilit itong pumunta para makita si Mister Sebastian sa huling pagkakataon.
“That b*tch..” sambit ni Moira. Pero natigilan ito nang mapatingin sa babaing nagmamadaling papasok sa gate. “Anong ginagawa niya rito?” ani Moira na lalong namula ang ang mukha.
“Sino ba?” naguguluhang tanong ko.
୮
“Ang babaing ‘yon?” anitong nakatingin sa babaing nakablack dress. “Anong ginagawa niya rito?” ulit ni
Moira at kita kong namula ang mukha nito.
Nagtaka pa ako nang kumapit ang dalaga sa braso nang ginang namay cast at neck brace.
“Siya si Tamara Fernandez,” taas noong pakilala nang babae sa dalaga. Na matamis na ngumiti. “siya ang
panganay na anak namin ni Murillo Sebastian-ang asawa mo.” Matapang na saad ng babae. Maging ang bisita ay nagulat sa deklarasyon nito. Dama kong napaatras si Moira sa pagkabigla.
“Kapatid ko ang babaing ‘yan!” bulalas nito na namula nang husto ang mukha. Saka napahawak sa tiyan
nito.
“Moira, ayos ka lang. Magrelax ka lang okay. Isipin mo ang baby mo, please,” panic na saway ko dito.
Claim
Subalit nuli akong napatitig sa direksyon nang babae. Parang narinig ko na ang pangalan nito kung saan.
Noon naman dumating si Clarence na nagmamadaling nilampasan ang kumpulan. Pero nakita ito nang babaing tinawag na Tamara kaya napahinto si Clarence nang hawakan ito nang babae sa braso.
“What are you…. get off me, asar na tinabig ni Clarence ang kamay nang babae at baliwalang nilampasan
ito.
“Anong ginagawa nang babaing ‘yan dito?” asar na usisa ni Clarence kay Moira nang makalapit ito sa amin.
“Anak siya… ni Dad sa kabit niya.” tila wala sa sariling sagot ni Moira na ikinagulat rin ni Clarence at napatingin sa direksyon ng mga naroon. ” Dalawa pala ang anak nila!” basag ang boses na saad ni Moira.
“Anong… nagbibiro ka ba?” gulat na tanong ni Clarence.
Matamlay na tingin ang ibinigay ni Moira dito. “Natatawa ka ba sa sinabi ko. Siya ang babaing nabuntis mo,
at kumausap sa akin para ibalita ang tungkol sa pagkakaroon n’yo nang anak na namatay.” tila wala sa
sariling sambit ni Moira na ikinagulat ko.
Ang babaing ‘yon ang totoong ina ni Baby Zen. Noon ko naalalang nabangit na nga pala sa akin ni Zade ang
pangalan ng babae. Pero hindi ko inasahang half-sister ito ni Moira.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)