Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 286

150 Tip-2–

150: Tip-2

Claim

“Huwag mo na silang alalahanin, asawa ko. Sisiguruhin kong mahuhuli rin sila nang mga police at

magkakaroon tayo nang ganap na kapanatagan,” pag-aassure sa akin ni Zade. “Kalimutan mo muna ang ibang bagay, dahil ngayon ikaw ang CEO nang Montefalco Royal, kaya hindi mo kailangan mag-alala ng

kahit na ano pa man maliban sa negosya” bilin pa sa akin ni Zade nang huminto na ang kotse nito.

Nakarating na pala kami ng di ko namamalayan.

Humugot ako nang malalim na paghinga bago ako nagpasyang bumaba nang pigilan ako nito. “Aalis ka

nang wala akong kiss… aba, wala nang libring sakay ngayon asawa ko,” pabirong saad nito saka ako

kinabig at isang mainit na halik ang ipinagkaloob nito sa akin. “para may lakas ka..” nakangiting usal nito

nang sa wakas ay pakawalan ako.

“Salamat kung ganun, ingat ka sa pagdrive.” bilin ko ditong hinawakan ko pa ang mukha ni Zade bago ako tuluyang bumaba.

Kumaway pa ko kay Zade bago ito umalis.

Papasok ako sa main entrance nang Montefalco Royal nang makita ko sina Emma, Rey at lya at ang ilang mga Directors and managers at mga nagtatangkarang mga lalaki na lahat naka all black suit na tila

nag-abang.

“Welcome, madam Chairwoman.” sabay sabay na bati nang mga lalaking nakaitim na ikinagulat namin. Isang guwapo at matangkad na lalaki ang lumapit sa akin. Seryoso ang mukha nito.

“Maligayang pagdating, Madam Chairwoman,” magalang na bati nito. “Ako si Alpha Villaventura ang head security nang Montefalco Royal.” pakilala nitong yumuko pa nang bahagya.

“Ma’am Yuri, siya ang anak nang dating Vice-Chairman na isa rin sa matalik na kaibigan nang Mama mo. Wala siya sa party mo dahil abala siya sa security ng building.” paliwanag ni Tita Rica. Sabi nito kapag nasa harap daw kami nang ibang mga tao, dapat Mrs. Llañez lang ang tawag ko dito.

“Hello sa n’yong lahat, salamat sa pagbati. Akala ko tapos na ang pa-welcome noong party.” baling ko sa mga naroon. “Magtulungan tayo para sa Montefalco Royal,” paki-usap ko sa mga ito. r

“Tita, kailangan bang may ganun?” mahinang tanong ko kay Tita Rica nang nasa lift na kami. May sariling VIP lift kasi para sa amin. Kaya kami lang ng team ko, si Tita Rica at ang matangakad na lalaking hindi ata marunong ngumiti. Sa tingin ko bata pa naman ito. Posibling kaedad ko lang pero parang napakaseryoso

na nito sa buhay.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)