Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 280

147: Secret Door-2

Kinapa ni Gener ang switch nang ilaw na kaagad na ring nabuksan. Tumambad sa kanila lang maalikabok at mabahong silid kaya napa-ubo si Natasha.

“Hind ko pa rin maintindihan kung para saan ang basement na ‘to. Wala namang kuwenta.” Komento ni

Natasha na binuksan na ang maliit na tokador na sadya nilang dinala doon para may mapaglagyan ng mga documento.

Napansin niyang napatingin si Gener sa malaking maletang naroon. Na halos hindi na makita ang totoong

kulay dahil nabalot na nang alikabok sa katagalan. “Hindi na rin masama ang basernent hindi ba,? ani Gener na bilalingan si Natasha na abala sa pagsamsam ng mga dokomento.

“Bilis na, kinikilabutan ko sa kuwartong ‘to.” ani Natasha matapos makuha ang kailaògan.

“Sa tingin mo ba may makakakita sa lugar na ‘yon?” Tanong ni Gener sa asawa.

“Unless malaman nila may pinto dito sa likod, tayo na.” excited na yakag ni Natasha sa asawa na bakas

ang pag-aalangan.

“Baka dapat itapon na natin ‘yong maleta.” komento ni Gener ng nasa kotse na sila.

“Gener, mas makakabuting nandoon lang ‘yon. Magdrive ka na nga, kailangan maitago muna natin ang

mga ‘to bago tayo bumalik sa bahay ni Daisy.”

“Sige, doon muna tayo sa kaibigan ko,” ani Gener na nagdrive na.

“NAKUHA mo ba?” tanong ni Daisy kay Eric. Ito ang pinapunta siya sa mansion ng Montefalco para hindi

na kailangang sumalisi pa dahil nahirapan ang mga tauhan niyang pumasok sa mansion. Kilala naman kasi

si Eric bilang tauhan ni Clarence.

“Nabuksan nang ang pinto kanina pero sementadong pader lang ‘yon.” “Mukhang dating pinto lang na

isinara na” paliwanag ni Eric. “Sinubukan kung umikot sa likod pero walang daan patungo doon”

“Are you sure?”

“Yes Ma’am kasama ko ang isang tauhan natin.”

“So saan nakatago ang mga ebedensya na sinasabi ni Gener, pinagluluko ba nila ako?” inis na angil ni Daisy kay Eric.

“Pasensya na Daisy, naisip ko lang na baka kapag nakuha mo na ang mga ebidensya dispatsahin mo na

kami nang asawa ko. Kaya kami na ang kumuha,” walang gatol na pag-amin ni Gener na kalmado nang

naglakad kasunod nang ni Natasha na nakangiti.

“Pinagluluko n’yo ba ako!”

“Kaya nga sorry na, ikaw naman,” baliwalang saad ni Natasha.

“Imposible, pano kayo nakakapasok sa basement kong—”

147 Secreler Z

Claim

“Eric, mahigit dalawangpong taon kami tumira doon. Kaya natural lang na alam namin ang pasikot-sikot sa bahay na ‘yon. Peke lang ang pinto na ‘yon. Sa likod ang daan sa may bakanting lote may maliit na gate

doon,” kompiyansang paliwanag ni Gener.

“So nasaan na?” Namumula ang mukhang tanong ni Daisy.

“Itinago ko muna sa isang ligtas na lugar, huwag kang mag-alala, ligtas tayong lahat kung walang

magbubukas ng pandora box hindi ba?”

“Siguruhin n’yo lang kundi ako mismo ang papatay sa ‘yo. Walang dapat makakaalam nang lahat lalo na si

Gaston at Clarence,” madiing utos ni Daisy.

“Usapan ‘yan, kita mo namang mahigit dalawang dekada naming itinago ang katotohanan hindi ba. Kaya

nga may mga ganito ka.” kampanting isinandal ni Gener ang likod sa sofa, saka ininat ang kamay.

“Magandang bahay at mamahaling gamit. At sympre malaking pera.”

“Tama na,” saway ni Daisy kay Gener. “Eric pumunta ba sa party ang bata mo?” baling nito kay Eric na

tahimik lang na nakatayo.

“Yes’ Ma’am. Nagmamatyag lang muna siya.” Tumingin ito sa relos nito. “Parating na siya ngayon,” ani Eric.

Maya maya pa maririnig na ang mga yabag ng sapatos. “Nandito na siya.”

****

“Nagsayang lang tayo nang pagod, pader lang pala ang lintek na ‘to.” asar na reklamo nang isang

trabahador. Sa tulong ng assistant ng boss nilang si Clarence malaya nilang nabuksan ang bakal na pinto

pero wala silang napala.

“Baka nagkamali lang tayo ng akala, brad.” anang kasama nito. “Tayo na nga”

“Buwisit,” inis na reklamo nang lalaki saka sinipa ang pader pero kapwa natigilan ang mga ito nang biglang lumubog ang isang parte nang pader. Para iyong switch na nagpagalaw sa pinto.

“Puta!” gulat na mura lalaki na unti-unting bumukas ang pintong pader. Lumikha pa nang alikabok ‘yon kaya parehong napaubo ang dalawang lalaki.

“Hoy mga pare, uwian—” anang isang bagong dating na nagulat sa nakitang bumukas na pinto. “Aba pinto nga,” anitong amuse na naglakad palapit na tikapan pa ang ilong. Bumaba na ang alikabok kaya kita na nila

ang walang lamang basement malibang sa isang malaking maleta na pinapamahayan na nang alikabok.

“Ang baho naman dito?” reklamo nang lalaking pumasok na na inginala ang tingin sa maalikabok at

maraming agiw sa mataas na ceiling.

“Pare baka nandiyan ang—” anang isang lalaking nagmadaling hinila ang maleta at itinumba para buksan.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)