142: Hindi Totoo-1
142: Hindi Totoo
NAGKATINGINAN kami ni Zade dahil sa sinabi ni Manang Elisa. Sino naman ang abogado na maghahanap
sa akin?
“Sino raw po ba?” tanong ni Zade.
“Ah..e Atty Fortunato daw po.” paliwanang ni Manang Elisa.
“Sige po, baba na ako.”
“Teka— hindi ba puweding bukas na lang ‘yan. Kadarating mo lang.”
“Ayos lang ako, Zade” kumbinsi ko dito. Wala naman itong nagawa nang bumangon na ako. Para sadyain
ako ng isang abogado nakapagtataka ‘yon. At kuryos ako kung bakit pamilyar sa akin ang pangalan na
‘yon.
Nagsalubong pa ang kilay ko na napatingin ako sa bisita namin. Mukha itong kagalang galang sa suit nito. At hindi maipagkakailang guwapo ito. Sa tingin ko kaedad ito ni Mister Oliver.
“How may we help you?” Si Zade na halatang hindi nagustuhan ang bisita namin nang ngumiti ito sa akin.
“I’m Atty. Dickson Fortunato,” pakilala nito sa malalim na tinig. “We meet before, Yuri kung natatandaan mo pa ako?” seryosong tanong nang lalaki. Noon ko nagawang titigan nang husto ang mukha nito. Pamilyar
ito sa akin. Pero hindi ko maalala kung kailan ko ito nakita. “Sa 18th birthday mo, sa mansion ng
Montefalco. I was with my Dad ng ibigay sa’yo ang necklace ng mommy mo,” nakangiting paliwanag nito
na tila nahuhulaan ang tumatakbo sa utak ko.
“Ah oo…”alanganing sagot ko.
“Kilala mo siya?”
“Hindi ko masyadong maalala pero natatandaan ko iyong matandang lalaki na nagbigay sa akin ng necklace,” paliwanag ko na tila ikinarelieve ni Zade.
୮
“So bakit ka nandito para kausapin ang asawa ko?” may diin ang pagkakasabi ni Zade nang salitang asawa
na ikinangiti ni Mr. Fortunato.
“Puwede na bang maupo?” anitong naupo na rin. “Actually sa US na ako nakabase, pero napauwi ako nang
dumating sa akin ang isang mahalagang dokumento.” seryosong paliwanag nito saka may inilabas mula
sa dala nitong attache case. Isang brown envelop iyon na nakasealed pa.
“May father died in an accident two years after n’yong magkita. At ang law firm namin dito sa bansa ang
nagpadala nito sa akin.”
“Ano po ba ito?” Takang tanong ko dito.
“Ang alam ko letter ‘yan ng mommy mo para sa’yo. Iyon kasi ng nakasulat sa instruction nang aking ama.
1/2
142 Hindi Ie100 1
At kailangan kitang i-assist hanggang ng turn over ng Montefalco Royal.”
“Ano…ang Montefalco Royal? Ano namang kinalaman ko doon?” takang tanong ko dito.
Claim
“I guess you have to read the letter then.” utos nitong inilahad pa ang kamay para kunin ko ang envelop sa
lamesita. Kaya kusa ko ring kinuha ‘yon.
Hindi ko alam kung bakit, pero malakas na kumabog ang puso ko nang makita ko ang sulat at ang dalawang tila keycard na kulay gold. Ang isa ay nakapangalan sa akin at ang isa ay kay Clarence.
At para akong hindi makahinga nang makita ko ang magandang larawan ng aking ina. Kalong nito ang
isang batang nakapink na dress. I can tell na ako ‘yon. At habang nakatitig ako sa magandang larawan ng
aking ina, parang nagbara ang aking lalamunan. Ang tanging larawan na mayroon ako ay ang larawan sa
penclant pero maliit lang ‘yon. At luma na rin, pero ang larawan na hawak ko ay malinaw na para bang
kahapon lang kinunan. Laminated kasi ‘yon.
Kaya kitang kita ko kung gaano kaganda ang aking ina.
“She does look like you, Yuri.” sambit ni Zade na nakatitig rin pala sa larawan. “Ang cute mo pala noong
baby ka pa.” kumento pa nito.
“Mag-iisang taong gulang ka pa lang nang mamatay ang Mommy mo, Miss Yuri Ann,” basag ni Atty
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)