139: Panic-1
139: Panic
“MOMMY anong gagawin natin? Bwisit kasi talagang babae ‘yon!” Halos mamutla si Atasha habang
nakatingin sa ina. Malay ba naman niyang buntis pala si Yuri.
“Bakit naman kasi sinipa mo pa! Hay pasaway ka talaga Atasha, lagot na tayo sa Daddy mo nito.”
“Mommy, si Zade ang iniisip ko, galit na galit siya, kita mong itinulak pa niya ako. Paano kong— oh my God!” Naglikot ang mga mata nitong napatitig sa ina, bakas ang takot doon. “Hindi naman niya ako
ipapakulong diba Mom, may anak kami,” anitong ngumiti. “Oo, tama. Tulad nang dati. Hindi ako… hindi ako
magagawang ipakulong si Zade dahil kay Baby Zen. I’m sure of it.”
Natigilan naman si Natasha sa nakikitang ekspresyon ng kanyang anak. Nakangiti habang panay ang pisil ng kamay nito.
“Kumalma ka lang anak, tama ka hindi ka ipapakulong ni Zade.” Kompiyansa ring saad ni Natasha. Maayos na napatunayan sa DNA test na anak ni Zade ang bata kaya natitiyak niyang hindi ito magsasampa nang
kaso.
“Oh anong ginagawa n’yong dalawa?” Kunot noong tanong ni Gener na mukhang galing kung saan.
“Wala honey, ito kasing anak natin… pero okay lang ‘yon. Sigurado namang patatawarin lang siya ni Zade.”
kompiyansang saad ni Natasha. “Mabuti pa kumain na tayo, bumili na lang kami sa labas,” yakag nito sa
asawa. Pero bago pa sila makaalis sa living room ay tumunog ang doorbell ng gate.
“Sino ba ‘yon? Sige na… ihanda mo na ito, anak at ako nang sisilip at baka natutulog na naman si Tasyo.”
ani Natasha na lumabas na.
“Ano na naman bang ginawa mo ha, Atasha? Sinabihan na kita mag-antay ka na maisaayos ang lahat.
Kaunting panahon na lang kaya magtino ka.”
“Dad, bakit ba, matino ako. Sadyang minamalas lang ako dahil kay Yuri, deserve niya ang nangyari sa
kanya. Dapat lang siyang mamatayan ng anak.”
୮
“Ano?”
“Kanina kasi…” anitong walang pagsisising ikinuwento ang nangyari. “Nakakatawa diba. Malas lang niya dahil nakita ko siya. Soon pati iyong isang anak niya hmmm,” sumilay ang mabalasik na ngisi sa labi nito.
“At talagang… ginawa mo ‘yon sa harap ng maraming tao?” Nanlalaki ang matang sikmat ni Gener sa anak.
“Dad, walang kuwenta si Yuri, she’s nothing compared to me. At tama lang ‘yon. Iyon ang ganti ko sa kanya. Gagawin ko ang lahat para maghiwalay sila.” Halos magkislapan ang mata ni Atasha sa labis na kasiyahan. “Upo ka na Daddy, kakain na tayo.” utos nito sa amang tila hindi makapaniwala sa naririnig sa sarili nitong anak.
“Hindi nga kayo pwdeng-”
(14 Paniced
Claim
“Misis, fruwag mong kakalimutang accessories ka sa krimen ng anak mo.” kapwa sila napalingon dahil sa tinig ng lalaki. At ilang sandali pa ay tatlong malalaking unipormadong lalaki ang nakalapit sa kanila.
“Anong ibig sabihin nito? Bakas ang panic sa mata ni Gener nang makita ang mga police.
“Pasensya na, maabala namin ang pagkain n’yo. Pero may warrant kami para sa anak n’yo. Nagsampa nang kaso si Mr. Dela Merced. At may video kami para patunayan ang alegasyon kaya kailangan namin siyang hulihin.” kampanting saad ng police na binasahan pa si Atasha nang Miranda Rights code.
“Teka ano bang ginagawa n’yo! Bwisit! Bitawan n’yo nga ako!” paangil na utos ni Atasha sa mga police na
hawak ang kamay niya. “Buwisit kayo!” sigaw pa nito.
“Tumigil ka sa kakasigaw Miss kung ayaw mong malaman ng buong subdibisyon na hinuhuli ka nang mga police. Ang sama mo para tadyakan ang isang babaing buntis.” sermon ng police saka hinila si Atasha palabas habang nakaposas kaya muntik na itong masubsob.
“Walang hiya, bitawan n’yo ako. Wala akong kasalanan!” sigaw ni Atasha na patuloy na nagpupumiglas
pero nagawa itong ilabas si Atasha.
“Geher!” Napalapit naman si Natasha sa asawa nito. Pero madilim ang mukha ni Gener na binalingan ang
asawa.
“Anong klasing utak ba mayro’n ang batang ‘yan. Alam mo kasalanan mo to eh,” pikang akusa ni Gener dito
kaya namula naman ang mukha ni Natasha sa galit.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)