129: Bantay Salakay (HOT)-1
129: Bantay Salakay (HOT)
“ZADE, kapag di ka pa tumigil, palalabasin na talaga kita,” banta ko kay Zade nang muli itong lumapit sa akin. Kaya napahinto naman ito at nagkamot nang batok.
“Yuri naman,” ungot nito. Magbabantay kami kay Baby Zen ‘tas iba naman pala ang gustong bantayan.
“Mananahimik ka o lalabas ka.” Namaywang pa ako sa harap nito. Hindi naman ata tamang lagi na lang akong magpapatalo sa init ng katawan ko.
“Oo na nga, goodnight na.” pamaktol nitong sagot saka pumuwesto na sa higaan nito.
Saka lang ako nakahinga nang maluwag. Kaya inayos ko na rin ang unan ko at pumuwesto sa tabi ni Baby Zen namahimbing na ang tulog. Muli kong tseneck ang temparature nito saka ako at narelieve ako nang normal na iyon. Pero dahil kailangan ko pa rin itong bigyan ng paracetamol bantang 10pm kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa phone ko. Nagscroll ako sa socmed at nakipagchat kay Moira.
Namimiss ko na rin talaga ang kaibigan ko. Matapos ng halos isang oras naming palitan ng chat ay
nagpalaam na itong matutulog na rin umano ito. Nasa Singapore naman pala ito ngayon. Mayroon nang
travel blog si Moira, pero gumagamit ito ng page at nabo-voice over para walang makakilala sa boses nito.
Kailan lang ito nagsimula pero marami na agad itong followers, dahil masaya ang voice over nito parang
boses bata lang at marami rin kasi itong jokes na nakakatawa naman talaga.
“Sinong ka-chat mo?” tanong nang inaantok na boses ni Zade kaya sinulyapan ko ito.
“Si Moira,” tipid kong sagot dito.
“Hindi ka ba naaawa sa kapatid mo, mukhang nababaliw na sa kakahanap sa kaibigan mo.”
“Sympre naawa rin naman ako kay Clarence, kaso hindi ko rin puweding biguin ang bestfriend ko. Saka last time binigyan ko na ng tip si Clarence pero hindi pa rin niya nahanap si Moira. Feeling ko nga may tinatago rin siya sa akin. Dati madalas kaming magvideo call pero ngayon ayaw na muna daw niya kasi masyado raw niya akong namimiss.”
r
“Buti naman,” sagot nitong napangisi.
“Anong mabuti doon?” usig ko dito.
“Nakakaganti ako kay Clarence kahit paano,” anitong biglang sumeryoso at tumitig sa kisame. “Tinago ka rin niya sa akin kaya nahirapan akong hanapin ka. So walang masama na mahirapan rin siya kay
Moira.
“Kaso baka malabo silang magkabalikan, dahil sa babaing nabuntis ni Clarence.”
“Bakit naman, ikaw nga nagagawa mong tangapin si Baby Zen diba. Depende na rin kay Moira ‘yon. Saka diba nga namatay daw ang baby. Anong problema doon? Basta hindi naghahabol ang babae.”
“Sana nga hindi siya tulad ni Atasha.” sabat ko.
129 Jona ley 1HTY T
“Hindi naman siguro, wife. Nakilala mo na ba ang babae?” usisa nito.
“Hindi pa, ayaw namang sabihin sa akin ni Moira kung sino,” sagot kong napahikab pa ako.
Clam
“Ikaw ata ang unang inantok ah.” Nagulat ako nang bumangon si Zade. “Dito ka na, ako nang magbabantay kay baby Zen. Mag-alarm ka na lang kung anong oras siyang iinum ng gamot para alam ko. Saka lagay mo rin ‘yong sukat.”
Nag-alarm na ako kaya okay na rin naman. Isang oras na lang naman ang aantayin ko. Pero muli na naman akong napahikab.
“Pagod ka pa, ako full-charge pa kaya, sige na, ikaw nang mahiga dito. Ako nang magpapa-inum kay baby Zen ng gamot.” giit nito, muli na naman akong napahikab kaya hindi na lang ako nakipagkulitan kay Zade. Umaga na nga kasi ako nakatulog kagabi kaya late na rin akong bumangon.
Kaya paghiga ko sa higaan ni Zade. Kaagad na rin akong nakatulog.
Nagising pa ako nang tumunog ang alarm pero nakita kong gising pa si Zade kaya sinabihan ko na lang itong painumun ng gamot ang bata. Then I feel a sleep again.
Subalit sa kalaliman ng gabi, I heard a soft whisper in my ear. “Magpapa-alis lang ako nang antok, asawa ko.” lyon ang narinig ko. Bago ko naramdaman ang mabining halik sa braso ko. Saka muli akong napapikit.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)