Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 224

120: Suplado-1

120: Suplado

Claim

NAPAYUKO na lang si Jennte sa sinabi ni Clarence. “Okay lang ‘yan.” pag-aalo ko dito. I know Clarence could be mean sometimes lalo nat tungkol sa kinikilala nitong ina. At mabigat rin ang salitang sinabi ni Jennie.

“Pero ate, totoo talaga. Mayroon silang binabalak patayin. Ang dinig ko tungkol daw sa shares ganun, hindi daw papayag si sir Gener na mapunta lang sa walang kuwentang babae iyong kompanya.” giit ni Jennie.

“Sinong babae?”

“Hindi ko na po narinig, basta. Dapat daw si Ma’am Atasha ang manalo sa huli kaya dapat tulungan daw ni Ma’ am Daisy si Sir Gener. Kahit ano pa daw kapalit.”

“Kalimutan mo na ‘yon. Baka dahil sa negosyo, madami silang kakompitensya sa negosyo kaya ganun,” pag-aassure ko kay Jennie, pero may parte sa utak kong nag-aalala sa sinabi nito.

Sinong babae ang kailangan nilang patayin dahil sa shares? “Ganito na lang magpangap ka na lang na walang narinig. Baka kasi iyon ang dahilan kaya gusto kang i-demanda ni Papa Gener. Para na rin sa kaligtasan mo.”

“Pero…. ano po, puwede po bang humingi ng pabor?”

“Sige ano ba ‘yon.”

“Puwede po bang sa n’yo na lang ako magtrabaho habang wala pa si Sir Oliver. Hindi naman talaga niya ako girlfriend, sabi lang niya sumunod na lang ako at iyon ang sabihin ko. Kaso ayaw ko pong umasa na lang sa iba. Kaya ko naman pong magtrabaho. Hindi po ako magiging pabigat, kahit hindi malaki ang

sahod okay lang.” anitong hinawakan pa ang kamay ko.

“Sige, pero ipapaalam ko rin kay Tita Daisy.”

“Sige po salamat nang marami.” relieve na saad nito.

r

“SIR… Sir..” nagitla ako nang katukin ni Javier ang table ko. “Pambihira. Kanina pa ako dito.”

“Bakit ba?” asar kong sagot dito. Wala ako sa mood at wala rin akong maayos na tulog. Para na nga akong

tanga na nag-aabang na lumabas si Yuri sa gabi. Pero hindi na nang yari ulit. “Galit pa rin siya sa akin.”

“Well, deserve mo naman ‘yan.”

“Lintek ka!”pikang baling ko dito.

“Nagagalit ka pero totoo naman eh. Kung nakinig ka lang kasi masaya ka sana ngayon, hindi sana ako nadadamay sa pagmumukmok mo.”

“At paano kita nadadamay, huwag mo na nga muna akong asarin Javier.” singhal ko dito pero tumawa lang ito. “Hindi mo pa tinatapos ‘yan at…” natigil si Javier sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto.

€120 Suplade

Naroon any namumulang si Wendel.

“Anong ibig sabihin nito?” Galit nitong usig hawak ang department notice of transfer nito sa ibang department.

“Promotion notice ‘yan?” ani Javier kaya binalingan ito ng masamang tingin ni Wendel.

“Hindi kita kinakausap, lumabas ka nga

“Wendel, si Javier ang assistant ko at kung may concern ka sa kanya ka dumeritso,” baliwalang saad ko dito.

“Punyeta, bakit hindi mo na lang sabihing magresign ako. Kulang na lang ‘yon ang ibigay mo ah?” galit na asik nito.

“Then resign!” Walang gatol kong sagot dito na ikinagitla ni Wendel. “Akala mo ba wala akong alam ha, Wendel! Pasalamat ka nga hindi kita dinamay sa board meeting dahil pamilya pa rin ang tingin ko sa’yo. Pero kapag ganitong mainit ang ulo ko. Huwag mong dagdagan puwede! Dalawa lang ang pagpipilian mo at alam mo kung ano ‘yon.” Pinal kong saad dito.

“Mayabang ka talaga Zade Larzon!” Matalim ang tinging ibinigay nito sa akin. “You’ll pay for this. Bwisit!” Gigil nitong sigaw sabay sipa sa steel cabinet na naroo.

Lumikha iyon nang malakas na ingay pero hindi nakaligtas sa akin ang pagngiwi ni Wendel na walang salitang tumalikod.

“Tanga! Magpinsan nga kayo.” ani Javier na ikinawala nang pinipigil kong tawa.

“Anong sabi mo?”

“Sabi ko gutom na ako,Sir. Baka puwede nang maglunch out. Alas dos na baka gusto mo ring kumain.”

Noon ako napatingin sa relos ko sabay sapo nang sintido ko.

“Bakit naman kasi nag-aantay ka pa sa akin,” sermon ko dito saka kinuha ko ang phone at wallet ko.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)