Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 218

117 My Faute

117.My Fault-T

117:My Fault

Claim

“YURI sandali!” matigilan ako sa paghabol ka Yuri nang maabutan namin sa living room sina Sen. Gaston

at ang asawa nitong si Daisy. ” Magandang araw ho!” bati ko sa mga ito. Hindi ko tuloy alam kung

susundan ko si Yuri o haharapin ang mga bisita namin.

But I choose the later.

“Ito na ho Sir,” nagulat pa akong naroon si Javier. Dala ang bagong timplang orange juice para sa dalawang

bisita namin. Pero nang maalala kong may usapan nga pala kami nito napakamot na lang ako ng ulo.

“Kanina pa ho ba kayo?”

“Hindi naman, katatapos lang nang inasikaso ko kaya dumiretso ako dito. Gusto ko rin sanang makita si

Baby Zen pero wala pa siya dito.”

“Ikaw naman kasi nagmamadali ka pa. Mukhang may tampuhan pa naman ang mag-asawa.” nakangiting

saad ni Daisy sa asawa nito. “Balita ko nang pa-dna test ka rin pala sa anak n’yo ni Atasha.”

“Ah oho,”

“I see wala ka bang tiwala sa sarili mong anak, hijo?” Nakangiting saaad pa nito. “Parehas lang kayo nitong

asawa ko.”

“Wala namang masama eh, ano ka ba.” sagot ni Sen Gaston dito.

“At least wala na kayong pagdududa ngayon, hindi ba. Sige na hijo. Sundan mo na ang asawa mo at mukhang hindi na nga kami napansin sa inis niya sa’yo.”

“Sabi ko sa’yo bad move ang gagawin mo, sir.” Mahinang saad ni Javier. “Mabuti pa umuwi na lang ako, bukas na lang iyong mga report,” ani Javier.

“Sige, pasensya na.” Nagpaalam na rin muna ako saglit sa mga bisita namin.

“Baby ikaw muna ang bahala sa Lolo mo ha,” baling ko kay Zayu na nakahiga sa sofa habang ang paa nito nakapong sa paa ni Senador Gaston at abala sa bottle milk nito.

Tumango tango naman ito na tila nauunawaan ako. Pero hindi pa man ako nakaka-akyat pababa na rin si Yuri. Nakabihis na ito at formal ang mukhang tumingin sa akin kaya napalunok na lang ako.

“Bakit naman kasi puro katangahan ang alam ko.” mahinang sermon ko sa sarili ko. Para namang wala itong nakita at nilampasan ako at nagtungo sa living room.

“Pasensya na ho, dad. Pinauwi na ni Zade si Baby Zen para makasama niya ang ina nang bata.” bakas ang sarkasmo sa tinig ni Yuri kaya napabalik ako sa living room.

“Sa tingin ko tama lang naman ‘yon hija. Anak ni Atasha si Baby Zen kaya dapat bilang ina siya ang kasama, hindi ba Zade. A family always matters right.” Makahulugang saad ni Daisy. “Dapat maglaan ka rin

117 My Faul

ng oras mo para kay Baby Zen.”

Claim

“Ano ka ba naman Daisy, mahirap ‘yon. Buti sana kung matinong babae ‘yan si Atasha. I don’t agree with

that.”

“Kahit namang sinong asawa hindi papayag, darling. Eh kaso nga may anak rin si Zade sa ibang babae kaya wala na tayong magagawa sa ganun. You can’t neglect the child just because the original wife won’t

allow it, right.”

“Nasa parents ko naman ang bata kaya walang magiging problema.” sagot ko kahit gusto kong maasar sa

sinasabi ni Daisy. Pakiramdam ko gusto pa niyang i-trigger lalo ang inis ni Yuri sa mga pinagsasabi nito.

“Tama ka Tita, wala rin naman akong planong pigilan si Zade sa gusto niya. He can always choose, right Zade.” nakangiting saad nito pero parang mga palaso ang tinging ipinukol sa akin ni Yuri. Marahas akong

lumunok.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)