Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 211

  1. Messed UP-1

114: Messed UP

THREE days later.

“SIR NANDITO na ang result.” imporma sa akin ni Javier na inilapag pa ang envelop sa harapan ko. Dahil gusto kong maging panatag si Yuri kaya ginawa ko ang suggestion nito tungkol sa DNA test ni Baby Zen.

Kalmado kong binuksan ang envelop.

“Anak mo nga si Baby Zen,” deklara ni Javier na nakatingin rin pala. “Nagawa na natin ‘yan bakit mo pa ginagawa ulit?” usisa nito

“Sabi kasi ni Yuri— never mind.” sagot kong naiiling. “Baka nag-aalala lang siya.” saad kong hindi ko maiwasang mapaisip. “Sa tingin mo bakit naisip ni Yuri na anak ni Clarence ang bata?”

“What? Seryoso ba ‘yan?” Bulalas nito.

“Hawig raw kasi kay Clarence ang bata. At sa tingin ko hindi gusto ni Yuri si baby Zen, napipilitan lang ba siyang tangapin ang bata?” tanong ko dito.

“Baka naman concern lang talaga ang asawa mo? Since positive naman eh di anak mo nga si Baby Zen.

Wala ka nang duda ngayon diba.”

“Sige na bumalik ka na sa trabaho mo.” ani kong nahilot ko pa tulay nang aking ilong. “Javier,” tawag ko

dito kaya napahinto ito sa paglabas. “Dapat ko bang ibalik kila Dad si Baby Zen. I mean—-”

“Bakit ba ako ang tinatanong mo sa bagay na ‘yan? Anak mo ‘yon ikaw ang ang magpapasya sa ganyang bagay. Hindi gumagana ang sixth sense ko sa bagay na ‘yan,” anitong tuluyan nang umalis.

Lumipas ang oras na hindi ako mapakali kaya bago pa mag-alas singko nang hapon nagpasya na akong

umuwi. Pero paglabas ko sa entrance ay naroon si Atasha na tila sadyang inaantay ako. Hindi ko nga ito

halos makilala dahil malaking ipinagbago ng pananamit nito

“Ano na namang ginagawa mo dito?” Medyo umalsa ang boses kò. Nag-aalala akong may gagawin na

naman itong kalukuhan.

“Pasensya na, kasi nagpunta ako kila Tita, sabi ng maids wala daw sila. Akala ko puwede kong makita at makasama ang anak ko kaya—”

“Sinabi ni Dad na schedule ang dalaw mo sa bata diba.”

“Oo…” mahinang sagot nito. “Pero kasi wala pa silang sinasabi. Tumawag ako pero busy pa daw sila,” bakas ang bigat sa boses nito. Naalala kong sinabi ni Mommy na nagsisisi ito sa pagpayag sa pagdalaw ni

Atasha. Pero hindi ko na sinabi ‘yon dito.

“Nakabakasyon pa sa bahay namin si Baby Zen. Huwag mo muna siyang puntahan, pagnaka-uwi na siya kila Mommy saka mo tawagan si Mom. Isa pa hindi pa ready si Baby Zen na makilala ka,” pagdadahilan ko.

114 Messed

Claim

“Alam ko namang mali ako, pero kailangan ha talagang maging ganito kahirap, Zade. Ang anak ko lang naman ang gusto kong makita. Maawa ka naman sa akin? Alam kong marami akong maling nagawa at nasaktan pa kita dahil sa galit ko kay Yuri. Pero ngayon wala na akong paki-alam sa mga bagay na ‘yon. Kaya please….” anitong hinawakan pa ang pulsuhan ko. Na mabilis ko ring binawi. “Pasensya na,” namula pa ang mukha nito.

“Huwag ka na munang mapilit Atasha.”

“Kapag hindi ka pumayag tatambay ako sa tapat ng bahay n’yo lagi. Alam kong hindi matutuwa si Yuri ng ganun, and I’m serious, Zade. Hindi naman mahirap ‘yon diba.”

“Titingnan ko, patatawagan na lang kita kay Javier.” sagot kong nilampasan na ito pero muli akong sinundan ni Atasha.

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)