Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 208

112: Magtiwala-2

“Alam mo hija. Bigla kitang naalala noong bata ka pa, ganyan ganyan ka rin kay Baby Zen. Mas gusto mo sa akin kaysa lumapit kay Ma’m Natasha. Siguro kasi alam nang bata na hindi siya magiging safe kung sasama siya sa Mama niya. Tulad mo rin noon,” maemosyong saad ni Manang Elisa na nagpunas pa nang luha sa sulok ng mata nito. Kaya nahawakan ko ang braso ng ginang.

Hindi ko alam ‘yon pero nang nagkaisip na ako. Totoong mas ramdam kong ligtas ako sa tabi ni Manang Elisa.

“Masakit para kay Atasha na itatwa siya nang kanyang sariling anak,” natiling na saad ni Mama Azra

“Hindi ba ang weird noon, kahapon rin lang niya nakita si Yuri, pero kusa pa niyang gusto magpakarga. Even calling her Mama. Samantalang ang sarili niyang ina inayawan niya.” di mapigilang komento ni Zade na tila nahulog sa malalim na pag-iisip.

“Ganun siguro ang mga bata, alam nila kung saan sila magiging ligtas. Mukhang nagkamali pa ata akong pumayag akong dalawin niya ang apo ko. Nakaka-awa rin naman kasi, bilang ina. Alam kong masasaktan

rin siya,” napapabuntong hiningan reklamo ni Mama Azra.

“Mmm ma mma,” muling tawag sa akin ni baby Zen na hinawakan pa ang mukha ko. Dama kong kumirot

na naman ang dibdib kong nakatitig kay baby Zen. Kaya hinaplos ko ang likod nito at niyakap.

“It’s okay…” mahinang sambit ko.

“Mukhang mas gusto nga niya kay Yuri, mahal.” Malungkot na saad ni Mama Azra.

“Ikaw talaga, kung mas makakabuting si Yuri kilalanin niyang ina, bakit hindi, di ba hija? Sa tingin ko mapapamahal ka kay baby Zen. Pero asahan n’yong lagi kaming nasa bahay n’yo kapag walang travel. This house will be too quiet without him,” may himig tampong saad nito pero nakangiti naman.

“Okay lang ba sa’yong isama natin si Baby Zen?” nag-aalangang tanong ni Zade sa akin.

“Paano ba ako hihindi sa kanya,” nasabi ko, feeling my heart lighter.

Pag-uwi nga namin ay kasama na namin si Baby Zen. Nangako naman sina Mama Azra na susunod ang mga ito kinabukasan. Naabutan pa namin si Aling Susan at ang isang on call cleaner na nag-aayos ng dating kuwarto ni Baby Zen.

“Siguro mas okay kong nasa isang room na lang muna sila para hindi tayo mahirapan sa gabi.”

“Oo, mas baby pa si baby Zen kaya mas dapat natin siyang mabantayang mabuti.”

“Okay, leave it to me, wifey. And thank you for letting baby Zen come with us.” ani Zade na hinawakan ang baba ko saka masuyong hinalikan ang labi ko.

Kinabukasan nga ay dumating ang mag-aayos nang kuwarto para sa lay-out. Pagsasamahin na lang ang kuwarto ng dalawang bata at may tig-isang bed para sa mga ito. Hindi na rin ako pumasok para ayusin ang mga gamit ng mga bata. At habang nirerenovate ang dating kuwarto ni baby Zen sa kuwarto muna ni Zayu

112 Maotuw

ito natutulog.

Claim

Araw ng linggo nang maging panauhin namin si Dad Gaston. Kasama nito si Tita Daisy na may dala pang prutas para kay baby Zaya, Kapwa pa nagulat pa ang mga ito nang makitang karga ko si baby Zen. Tulog pa kasi si Zayu para sa afternoon nap ng mga ito.

“Nandito na rin pala si baby Zen,” nakangiting saad ni Tita Daisy. “Hello handsome,” malambing nitong bati sa bata.

“Siya ba si baby Zen?” ani Dad na napatitig sa batang naglalaro ng toy car nito. Nagtaka pa akong natigilan si Dad Gaston.

“Hindi kasi talaga pinapansin ng ama mo ang anak ni Atasha noong nasa bahay sila. Kaya naman pala, alam niyang hindi si Atasha ang anak niya. Pero ang cute ni baby Zen, nakikita ko sa kanya si Clarence

noon.”

Noon ako napatingin kay Tita Daisy. Saka ko naalala kung saan ko na kita si Baby Zen. Ang batang nakikita

ko sa panaginip ko dati. Kahawig ni Baby Zen.

“Come here handsome, pasenya ka na kung hindi kita pinapansin dati. Paanong hawig siya kay Clarence,

ha Daisy?” ani Dad Gaston na kinuha sa akin ang bata at matamang tinitigan ito. Noon kasi halos sa bahay

na ni Clarence tumira si Dad dahil excited ito kay Baby Zayu.

“Sa tingin ko mas kamukha mo siya noong bata ka pa. Nakita ko iyong dati mong larawan noon eh. Hayaan

mo at hahanapin ko pag-uwi natin,” gumatla pa ang ilalim ng mata nito nang ngumiti ito. She had tiny wringkle lines, madalas itong nakangiti. Well-refine at eleganting tingnan.

“Lo Dad…” tawag ng matinis na boses ni Zayu, mukhang nagising na rin ang maingay kong anak.

“And my princess is here too,” ani Dad Gaston sinalubong pa sina Ate Rita sa hagdan. Sabay kuha sa

batang malapad ang ngiti.

“Tingan mo sila, puwede silang mapagkamalang kambal,” komento ni Tita Daisy ng parehong pina-upo ni Dad ang dalawang bata sa magkabilang hita nito.

“CLARENCE, wala ka bang planong lumabas ngayon, bored ako,” ani Martin sa kaibigan.

“Wala pa akong tulog, kuya. Ikaw na lang” nahahapong tangi nito. Palpak kasi ang taong binayaran niya at nagsabing nakita raw si Moira sa Indonesia. Nagmadali pa siyang magbook ng flight, at pinuntahan ang mismong hotel na sinabi nang detective pero walang nakakita kay Moira. “Sa tingin mo ba babalikan pa

niya ako, Kuya?”

“Hindi ko alam. Kahit naman siguro sinong nasa kalagayan niya, mahihirap. Kahit hindi mo intention, you cheated on her. Mas madali niyang matatangap kung nag-aaway lang kayo dahil magkaiba ang paniniwala ninyo. lyong tungkol sa babae—”

“Hindi ko nga maalala— damn it!” It was a lie. Inis na nasabunutan niya ang sarili. Matapos niyang makipagkita sa babaing nagsabi na nabuntis umano niya saka lang niya nalala ang nangyari. Nagpakalasing siya dahil nag-ayaw sila ni Moira. At sa bar nang gabing ‘yon nakilala niya ang si Tamara ito

< 112 Magtve 2

Clam

ang babaing naka-one night stand niya. Pero hindi siya naniniwalang nabuntis niya ito at nagkaanak sila at namatay ang bata sa hospital ng magtago ito sa America sa takot sa mga magulang nito.

“Bakit ba kasi ang tanga ko!”

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)