109: Kakampi-2
Clar
“Tse..matulog na nga tayo puro ka kalukuhan,” saway ko dito na kusa na akong yumakap kay Zade. Wala naman itong nagawa kundi ang mapabuntong hininga na lang.
“Ang daya, good night na nga lang muna,” mahinang saad nitong hinalikan pa ang labi ko nang ilang sandali.
“Goodnight, too.” sagot ko nang pakawalan ako ni Zade.
“Ayaw mo talaga?” pangungulit nitong himinas pa ang pang-upo ko.
“KUYA BAKIT ganun, akala ko ba, hindi malalaman ni Zade ang tungkol sa’yo?” asar na kompronta ni Wendel kay Eric. Naroon sila sa bar na madalas nitong tambayan sa gabi para makahanap nang babaing maikakama nito. Nagmimistulang may fog ang bar dahil na rin sa mga usok nang sigarilyo at sa smoke fog na nagmumula sa stage ng dance floor kung saan naroon ang dj na nagpapatugtog.
“Anong ibig mong sabihin?” anitong nagdilim ang mukha. Kaya ipinaliwanag niya ang lahat dito na lalong ikinasira nang mukha ni Eric. “Imposible ‘yan. Nahusay ang hacker ko.” depensa nito.
“Mahusay nga pero nahuli naman.” patuyang asik niya dito.
“Hindi na bali hindi naman niya ako puweding pagbintangan kung dahil lang sa ganung bagay. Pero
makinig ka Wendel. Dapat kang maging maingat ngayon, baka mamaya pinasusundan ka na ng lalaking
‘yon.” paalala ni Wendel dito.
“Bakit niya gagawin ‘yon? Alam kong hindi niya ako pagdududahan, kaya itinuro ko si Romulo para sa kanya lahat ang isisi. Siya naman talaga ang nagsabing bawasan ko ang pagbili nang supplies para may pangpocket kami. Sinunod ko lang siya.” kumpiyansang saad ni Wendel.
“Huwag kang pakakasigure. Dapat maging maingat tayo mula ngayon. Huling meeting natin ‘to sa labas, Wendel. Nandito nga pala si Atasha kaya kita pinapunta. Ayon oh…” turo nito sa babaing halatang lasing na at nagsasayaw sa gitna nang dance floor. Kasama nang ilang mga lalaking dumidit na nga dito. Pero baliwala lang kay Atasha.
“Magpa-impress ka na, kailangan natin ang babaing ‘yan.”
”
‘Kainis hindi ko type ang mga babaing tulad niya.”
r
“Wala naman akong sinabing ikama mo, makipaglapit ka lang. Gusto nang boss kong magkasira sina Yuri
at Zade sa lalong madaling panahon. Kung gusto mo nang pera gawin mo ‘to ng maayos.”
“Bakit ba ayaw ng boss mo sa mag-asawang ‘yon?”
“Hindi mo na problema ‘yon. Gawin mo na lang sa paraang hindi tayo madadawit.” Wala namang pagpipilian si Wendel kundi ang sumunod. Dahil kailangan niya ang pera mula sa boss ni Eric.
Naglakad siya patungo sa dance floor. Palapit sa babaing maharot na sumasayaw sa saliw nang nakabibinging tugtugin. Para itong baliw na tila walang paki-alam kung nababastos na ito. Such cheap kind
109 Kakade
of woman.
Clar
“Ano ba! Punyeta ka!” galit na asik ni Atasha sa kanya nang hawakan niya ito sa braso. “Who the— uhhh… teka lasing na ba ako. Ang supiadong lalaki,” anitong dinuro pa ang dibdib niya kaya alam ni Wendel na lasing na nga si Atasha dahil muntik na itong gumiwang pero napayapos ito sa kanya.
“Kaya ka inaayawan ni Zade kasi para kang tanga,” walang prenong saad niya sa malakas na boses para marinig ni Atasha.
“Gago ka ba!” ganting singhal nito na lumayo na sana subalit hinila niya si Atasha patungo sa puwesto nila kanina. At wala na si Eric doon pagbalik niya. “Ano bang problema mò ha?”
“Ako wala, pero mukhang ikaw mayroon,” palatak niya na pinasadahan ng tingin si Atasha. Sa suot nito kulang na lang sabihin nitong bastusin ito ng mga lalaki. “Paano ka pa mapapansin ni Zade kung ganyan ka…” kita kong natigilan ito saglit at masama ang tingin sa kanya.
“Nang-iinis ka ba!”
“Sinasabi ko lang sa’yo na mali ang ataki mo, kung gusto mong mabawi ang lalaking mahal mo. Dapat tularan mo ang babaing kinababaliwan niya ngayon. Have you seen yourself in the mirror. Mukha ka nang
pick-up girl,” patuyang saad kaya muntik na siyang hampasin ni Atasha nang basong bigla nitong dinampot. Buti na lang naka-ilag siya.
“Wala kang alam sa pinagdadaanan ko kaya tumahimik ka. Sandali na lang naman mawawala na sa
landas ko si Yuri kaya alam kong babalikan ako ni Zade.” Kumpiyansang bulyaw pa nito na tinawanan lang
ni Wendel.
“Posible nga ‘yan pero sa ginagawa mo, babalikan ka pa kaya ni Zade kung ganyan ka na? Pariwara.
Tsk..tsk..” umiling iling pa ito na lalong ikinapikon ni Atasha. “Malabo pa sa sikat nang araw sa gabi.”
“Huwag mo na nga akong buwisitin!” Muli itong dumapot ng bote kaya itinaas ni Wendel ang mga kamay
nito.
“Hindi ako kaaway Atasha, kakampi mo ako, kung susunod ka sa mga sasabihin ko. Masisiguro, kong mababawi mo ulit si Zade. Iyon ang gusto kong iparating sa’yo.” Kita ni Wendel ang pagkalrna ng mukha ni Atasha at marahang ibinaba ang hawak na bote. Saka matamang nakipatitigan sa kanya, kahit namumungay ang mata nito sa kalasingan. Alam niyang nakuha niya ang atensyon ni Atasha.
“Si Zade, inagaw sa akin ng walang hiyang babaing iyon, pati magandang buhay na dapat para sa akin inagaw pa niya. Kaya gusto kong mamatay si Yuri, para hindi ko siya makitang masaya kahit na kailan?”
“Pero paano mo gagawin kong ngayon palang sinisira mo na ang sarili mo. Alam mo naman na sigurong may anak rin sila ni Yuri. Kaya ang anak mo, sa bahay nang magulang ni Zade nakatira, habang si Yuri at ang anak nila kasama ni Zade sa bahay. Doon pa lang ang laki na nang lamang sa’yo ni Yuri.”
“Punyeta! Hindi ako kailan man malalamangan ni Yuri. Hinding hindi!” Sigaw nitong napatayo pa at dinuro
si Wendel.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)