99 Trust Issue 1
99: Trust Issue–1
99: Trust Issue
Claim
“BA’T WALA siya?” kunot noong tanong ko kay Javier nang hindi ko maabutan sa opisina si Yuri, dumaan kami sa bahay nang magulang ko para kumustahin ang bata. At nagrequest rin ako kay Dad na huwag munang ilabas o ipasyal si Zen at kung hindi nga maiiwasan ay kailangan may bodyguard na kasama.
Ayaw ko mang paniwalaan si Javier pero pagkatapos kong sabihin dito ang pagkikita namin ni Atasha sa parking area ng Delamers, naniniwala si Javier na may purpose si Atasha sa biglang pagpapakita nito sa akin.
“Magkasama kaya tayo, Sir. Tawagan mo na lang kasi,” ani Javier na abala na sa report nito.
“Pang–asar na namimilosopo ka pa talaga,” monologue ko saka ako bumalik sa opisina ko para tawagan si Yuri. Pero na ka–ilang ring na ako ay hindi pa rin ito sumagot.
Sa inis ko tinawagan ko si Aling Susan pero sinabi nitong umalis na daw si Yuri ilang minuto lang rin daw pagkaalis ko. Hindi ko tuloy maiwasang mataranta. Inaamin kong nawala rin ako sa katinuan ko kanina nang makita ko si Yuri.
Saglit ako nag–isip bago ako nagmessage kay Thelma para itanong kung umuwi ba ulit si Yuri. At iyon nga umuwi nga raw ito.
“Thelma, sabihin mo nga, diyan ba natulog si Yuri sa bahay ni Clarence kagabi?”
“Ay opo sir, bakit po?” usisa nitong ikinagulat ko. Malinaw na sinabi ni Martin na wala akong paki–alam kung kasama nito si Yuri kagabi. Isang kompirmasyon na magkasama nga ang mga ito.
“Sigurado ka ba?”
“Ay oo naman, sir. Maaga nga silang natulog at kulang raw si Ma’am sa tulog dahil sa. trabaho,” paliwanag nito.
“Si Martin ba natutulog sa bahay ni Clarence?” wala sa sariling tanong ko.
“Ah, hindi po Sir. Maselan kasi si Sir Clarence, sila Ma’am Yuri at si baby Zayu lang ang tumira sa bahay ni Sir mula nang itayo ito. Ayaw po kasi ni Sir Clarence ng magulo at madaming tao sa paligid.”
“Okay sige, pero isa na lang sinong kasama ng mag–ina sa mall kahapon?”
“Si Sir,” natatawang saad ni Thelma. “Si Rita lang po, hinatid lang sila ni Sir Martin dahil
13
<99 Trust Issue–1
Claim
tinatamad daw si Sir Clarence at ayaw lumabas. Sige sir balik na ako sa loob, baka hanapin na po ako.” paalam nitong mabilis nang natapos ang tawag.
“Naging uto–uto na naman ba ako? Lintek!” gigil na sermon ko sa sarili ko sabay palo nang mesa ko. Kaya muli kong tinawagan si Yuri pero naputol ang tawag. At nang muli akong mag–dial out of coverage na ito. “Nagalit ba siya sa akin kanina?” asar na natampak ko ang ang noo ko. “Lintek!”
Malamang magagalit iyon sa akin dahil hindi ko pinansin si Yuri kanina. Kaya nagpasya akong lumabas sa office ko. “Javier, cancel all my meetings today. Kayo na muna ni Emma ang mag–overtime mamaya. Pupuntahan ko lang ang asawa ko.” nagmamadaling bilin ko kay Javier saka mabilis ko na ring iniwan.
Sa kabilang banda.
“Ma’am Yuri anong gusto mong lunch later,” tanong sa akin ni ate Thelma.
“Kahit ano na lang ho, kayo nang bahala.” tinatamad kong sagot dito. “Si Zayu nasa baba na
ba?” usisa ko.
“Opo naglalaro na ulit. Buti dumating ka kaagad, kawawa sa kakaiyak sa kakahanap ng daddy niya?”
“Sino ba kasi iyong daddy na tinatawag niya? Kawawa naman tuloy ang anak ko.”
“Ah…eh… hindi ko ho alam eh, baka si Rita kilala ho?” sagot nito na nakangiti pa saka ibinaling ang tingin sa laruan ni Zayu na nasa sahig. Napansin ko na ‘yon kanina pero wala
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)