98: Kasinungalingan–1
98: Kasinungalingan
HINDI KO NA hinintay na magising si Zayu bago ako umalis ng bahay kinabukasan. Kaya maaga akong nakarating sa bahay ni Zade. Tahimik pa ang kabahayan kaya dumiretso na ako sa kuwarto nito.
Pagbukas ko nang pinto ipinagtaka ko ng madatnan ko ang ilang bote ng alak sa sahig ng kuwarto. Habang nakadapa si Zade sa kama na basta na lang nahinga doon.
“Bakit siya nag–inum dito sa kuwarto?” takang tanong ko saka ko dinampot ang bote ng alak. Dalawang bote lang naman ‘yon ng beer. Pero hindi ko maiwasang magtaka kung bakit naglasing si Zade. Hindi na nga rin ito nakapagbihis. Maingat kong inayos ang paa nitong nakalaylay sa sahig. Pero nagising pa rin ito.
“Good morning,” bati ko dito pero kaagad na nagkunot ang noo nitong napatitig sa akin. May kung anong damdamin ang lumukob sa pagkatao ko dala nang malamig na titig ni Zade. “Bakit?” takang tanong ko nang hindi ito nagsalita at blanko lang ang matang nakatitig sa akin. “Hindi ka ba nakatulog kaya uminum ka?”
“Oo,” walang gana nitong sagot na tumayo na at nilampasan ako. Hindi ko maiwasang nakadama nang pagkailang dahil sa reaksyon ni Zade. Para itong bumalik sa dating Zade na
kilala ko noon.
Cold.
Dahil hindi ko alam kung paano, magrereact sa akto nito. Hinayaan ko na lang muna si Zade. Noon sanay na akong kibuin dili ako ni Zade. Pero ngayon parang nakakapanibago. Naisip ko na lang baka may hang–over ito.
Pagpasok nito sa banyo ay nagpasya akong bumaba para ipagtimpla si Zade nang kape. Hindi ko maiwasang mag–alala sa magiging reaksyon ni Zade kapag sinabi ko na ang tungkol sa anak namin. Pero gusto kong maging masaya ang anak ko na makilala nito ang totoong ama niya kaysa naman kung sinu–sino pa ang tatawagin nitong Daddy.
Inilalagay ko sa tray ang tasa ng kape nang magvibrate ang phone ko. Subalit ganun na lang ang pagkabiglang naramdaman ko nang mabuksan ko ang mga larawang ipinadala sa akin. Saglit akong hindi nakahuma kasunod ng pag–init nang sulok ng aking mga mata. Habang nakikita ko ang mga larawan ni Zade at Atasha na magkayakap sa parking area. May mga angulong nag–uusap ang mga ito at umiiyak pa si Atasha. Takot at pagkalito ang kaagad na nagpabilis nang pintig ng puso ko.
98 Kasinungalingan–1
Claim
Kaya ba biglang naging malamig si Zade? Nagkasundo ba sila ni Atasha? Nalilitong tanong ko sa sarili ko. Napaupo na lang ako dala nang panlalambot ng mga tuhod ko.
Alam kong si Atasha ang mahal ni Zade, kaya nga iniurong nito ang kaso laban kay Atasha kahit muntik na itong mamatay. Pero para saan ang post niyang ‘yon na nagpabago nang takot at alinlangan ko? Ang pagmamakaawang matagpuan ako. Kaya bakit?
“No!” Nakagat ko pa ang dila ko dala ang takot na sumasalakay ngayon sa pagkatao ko. Paano ko sasabihin kay Zade ang tungkol kay Zayu kong ganito pala ang sitwasyon. Sa inis na nararamdaman ko hindi ko na namalayang pagpasok ni Zade sa kumedor.
“Sa akin ba ‘yan?” malamig nitong tanong na nakatitig pala sa tasa nang kape sa ibabaw ng
tray.
“Oo..sana.” mahinang sagot ko. Dinig kong pagbuntong hininga nito.
“Mauna ka nang pumasok sa office ngayon, dadalawin ko lang si baby Zen,” utos nito.
Alam kong may mali, at ramdam ko ‘yon sa mga kilos ni Zade kanina. At alam ko na kung bakit? Dadalawin nga ba nito si Baby Zen that maybe a lie too. Gusto kong mainis sa sarili ko pero siguro mabuti na rin, hindi ko na sasabihin sa kanya ang tungkol kay Zayu.
“Gusto mo ba?” nag–aalangang tanong ko pero nag–isang linya ang guhit ng kilay nito. Pero wala akong sagot na natangap kay Zade. Walang paalam na tumalikod ito na tuluyang nagpatulo sa luha ko.
Para akong bumalik sa sandaling baliwala ako kay Zade. Dahil may Atasha itong totoong mahal.
Puwede mo namang sabihin na lang kung tapos na.”
KAAGAD NA nagdilim ang paningin ko nang makita ko si Martin. At walang pagdadalawang isip na sinugod ko ito nang isang malakas na suntok na ikinabagsak nito sa sahig.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)