96: Unfair–2
Claim
“Sa rooftop ng St. Joseph Medical Hospital, hindi mo ba naaalala?” naroon ang pait sa mata ni Martin. Pero lalong nalungkot ang mata nito dala marahin ng kalituhan sa isipan ko.
“St. Joseph Medical Center,” mahinang sambit ko. Isang beses lang ako napunta sa hospital na ‘yon, and that was sixteen years ago nang dalhin ako ni Manang Elisa sa hospital dahil sa nahimatay araw ako habang binubugbog ako ni Mama Natasha at nilalagnat dahil sa pagpapa–ulan ko. Ang araw na una kong nakilala si Zade.
“Sa rooftop ng ospital. Akala mo pa noon tatalun ako doon. I was wearing cast and neck brace dahil naaksidente ako.”
“I—ikaw ‘yon!” Bulalas ko as memory flooded in my head.
Nang araw na ‘yon. Sa takot kong baka saktan ulit ako ni Mama Natasha. Dahil dinig kong galit na galit ito kay Manang Elisa sa pagdadala sa akin sa hospital. Dumaan ako sa exit kahit hilong hilo pa ako. Hindi ko alam kung anong naiisip ko nang sandaling ‘yon basta ayaw kong mapagalitan o masaktan ulit ni Mama Natasha kaya kahit ang init ng mga mata ko noon umakyat ako sa hagdan.
Ang walang katapusang hagdan na kahit halos gumapang na ako marating ko lang. Hanggang sa nabuksan ko ang isang pinto dahil wala na akong hagdang nakita. Parang yelo na yumakap sa akin noon ang malamig na hangin pagbukas ko nang pinto.
Tanda ko pa ang malinaw na gabi, at magagandang bituin sa langit. At sa sandaling iyon para akong bumalik sa gabing iyon sa rooftop ng ospital habang nakatitig ako kay Martin.
“Ang ganda naman dito?” sambit ko kahit parang nag–aapoy ang pakiramdam ko.
“Oo maganda nga,” napalingon ako sa tinig na ‘yon. At tila nilipad ng malamig na hangin ang init ng mata ko habang nakikita ko ang lalaking nakatayo sa nagsisilbing bakod sa rooftop. “Nakangiti ang mga bituin kahit malungkot ang puso ng mga tao. Kapag ba tumalon ako dito mamatay ako at hindi na malulungkot tulad ng mga bituin sa langit?”
“Ano po?” Hindi ko alam kung anong naisip ko nang sandaling ‘yon. Natakot ako sa sinabi nang lalaking nakatayo at nakadungaw sa ibaba. “Sabi ni Manang Elisa kahit gaano kahirap ang buhay dapat pa ring mabuhay dahil ‘yon daw po ang gusto ng Diyos. Kaya hindi ka po dapat mag–isip ng masama. Mataas ang building, kapag nahulog ka mamamatay ka tulad ng pinanood sa akin ni Atasha. Inaaway ka rin ba nang kapatid mo kaya may ganyan ka?” tanong ko habang nakikita ko ang benda nito at ang bagay sa leeg nito.
“Sira ka ba,” natatawang saad nito. “biro lang hindi ako baliw para magpakamatay no— ohhh,” na pasigaw pa ako ng biglang dumulas ang paa ng lalaki sa kinatatayuan nito. Kaya mabilis kong
13
<96 Unfair–2
tinakbo ‘yon at hinila ito. Pero nang bumagsak ako sa sementadong sahig nagdilim na ang paligid ko.
Claim
“Yan kasi, napakasama mong bata Yuri, namatay iyong lalaki dahil sa katangahan mo. Malas ka talaga!” lyon ang paulit–ulit na sinabi sa akin ni Mama Atasha nang magising ako. Namatay raw ang lalaki. Kaya walang tigil ako sa kaka–iyak noon. Tapos pag–uwi ko pa wala na si Manang Elisa. Dahil rin daw sa akin kaya naawalan ito ng trabaho.
“I—ikaw… ba na talaga iyon, hindi ka namatay,” muntik ko nang matakpan ang bibig ko dahil sa nalaman ko. “Buwisit ka!” sambit kong nag–init ang mga mata ko.
“Ano bang sinasabi mong namatay?” Halos mag–isang linya ang kilay ni Martin sa tanong na ‘yon.
“Ang sabi sa akin ni Mama Natasha noon, namatay raw dahil sa akin iyong lalaki sa rooftop?” Para akong nabunutan nang tinik sa lalamunan dahil doon. Sinikap kong kalimutan ang lahat nang pangit na bagay na ‘yon. Pero paulit–ulit na ipinaalala sa akin ni Mama Natasha kung gaano ako kasama at kamalas.
Hanggang sa siguro, kusa kong nakalimutan ang mga bagay na isinisisi sa akin. Hindi ko alam. Pero ngayon masaya ako sa nalaman ko.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)