Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 170

93: Overtime2

Bakit parang uneasy si Javier, ngayon ko lang siya napansing ganyan?komento ko ng nakaalis na ang mga ito. Kahit kay Moira hindi naman siya ganyan makitungo.

Hayaan na natin sila, sa tingin ko mas bagay si Javier kay Emma. Para naman maging normal na siyang tao. Masakit na rin sa mata ang overneatness niya,” baliwalang saad ni Zade na hinila na rin ako patungo sa mesa nito. Nailipat na kasi nito kanina ang upuan ko sa tabi nang upuan nito. “Bakit dalawa lang iyong kinuha mong file?puna ko sa bitbit nito.

Tama na to, sabi ni Javier mabilis magtrabaho si Emma, sa tingin ko mas tamang hayaan ko silang magkalapit ng medyo matagal. Walang masama diba. Kaya hindi natin kailangan magmadali, wife.

Feeling ko rin mas bagay sila, kaso pareho silang workaholic eh.” sangayon ko.

Huwag mo nang problemahin yon. Matatanda na sila. Kaya na nila ang sarili nila pagdating ng oras na nagkasundo sila,anito saka kinuha ang remote sa table nito. At isang click sound nagrinig ko sa may pinto.

Did you lock the door?

00, overtime tayo diba,makahulugang saad nito saka ngumisi bago sinumulang buklatin ang malaking folder sa harapan nito. Habang ang isang kamay nito pumatong sa hita ko.

Zade ang kamay mo, paano kita tutulungan niyan.

Matutulungan mo ako wifey, kapag hinayaan mong marelax ako para makapagisip ako nang mas malinaw. At para ganahan akong magtrabaho.seryosong sagot nitong muli nang ipinukos ang atensyon sa file.

Hindi ko alam na ganito na pala ang paraan para makapagfocus ngayon,naiiling kong saad na sinulyapan ko pa ang kamay nito sa hita ko.

ANG SABI KO ayusin mo diba, paano nila nakita agad ang pera? Nasira na ang plano dahil sa kapalpakan mo.asar na bulyaw ni Euligio Romulo kay Wendel.

Maayos ko namang nagawa, Sir. Hindi nila matitrace agad kung sino ang may pakana ng fund transfer. At kung trace man niya. Problema pa rin ang lalabas.kumpiyansang saad ni

Wendel.

Sinabi ko naman kasi sayong bilisan mo ang pagtransfer ng pera para masimulan na natin ang plano. Ngayon ano pang panlaban ko para mapatalsik ko si Zade Larzon bilang CEO ng Delamers. I work my as* for this company, Wendel. Kaya dapat lang na sa akin ang position

1/3

93 Overtime 2

ng CEO!

Claim

Sir, gagawa kami nang paraan. Hindi pa tapos ang laban at kailangan lang nating patunayan na intensyon niyang eembezzled ang fund ng foundation,” pagaassure ni Wendel sa lalaki.

Siguruhin mo lang Wendel. Malaking pera ang nakataya dito.

Huwag kang magalala sir, ako nang bahala sa lahat, magrelax ka na lang at ibibigay ko sa’yo ang CEO position na gusto mo.kompiyansang saad nito bago tumalikod.

Subalit isang nakakalukong ngisi ang namutawi sa labi ni Wendel. Anong halaga nang position mo kung kaya kong nakawin ang pera ng Delamers sa paraang gusto ko. Pakasaya kayo, mga tanga!mahinang saad ni Wendel habang naghihintay magbukas ang lift.

Pagbukas noon may sakay na tatlong babae na binati naman siya.

Oi sir Wendel, nabalitaan mo ba ang trending news sa buong building?usisa sa kanya ni Grasya na mukhang eager na magkuwento nang bagong kalap nitong tsismis.

Ano ba?

Sus si Sir, ang boss natin, grabe nagtatago nang red na panty sa bulsa niya. Nalaglag raw kanina sa directors meetings. Imagine! Kaya pala bumait na ulit si Sir, at wala nang sanib diba?baling nito sa dalawang kasama na kaagad namang sumangayon.

Sinabi mo pa, binati nga rin kami kaninang umaga. Akalain mong hindi pala iyong masungit na babae ang asawa ni Sir.ani ni Elena.

Oo, hindi nga. Pero ang asawa niya karelasyon nang kaibigan ko noong naghiwalay sila,may kombiksyong saad ni Wendel.

Ano?Sabaysabay na bulalas ng mga ito.

Trueness ba yan Sir?di makapaniwalang bulalas ni Grasya dito.

Kailan ba ako nagsimungaling. Kawawa nga ang kaibigan ko eh. Dahil wala nang pakinabang sa kanya iniwan na lang s’ya. Kaya ayaw ko talaga sa mga babaing masyadong maganda. Mukha silang pera,” bakas ang kombiksyon sa mata ni Wendel na lalong nagpaexcite sa kuryusidad ng tatlong babae.

Naku grabe naman pala ang asawa ni Sir, dapat hindi na niya tinangap? Baka perahan lang niya si Sir,” nagaalalang saad pa ni Grasya.

Pero sir diba anak daw ng Saavedra si Ma’m Yuri. Maimpluwensyang tao sa lipunan natin ang mga Saavedra kaya

2/3

93 Overtime2

Claim

Alam mo Lita, wala kayong alam sa katotohanan,” seryosong saad nito. ang mga Saavedra gusto lang nilang mapasok ang Delamers sa tulong ng kinikilalang asawa ng Boss natin. Maniwala kayo isang araw baka bankrupt na ang kompanya dahil naubos na ng Saavedra ang lahat,anitong hininaan pa ang boses. Nagsisimula na ngang maginvest ulit si Gaston Saavedra. Ano sa tingin n’yo ang dahilan?

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)