91: Test (HOT)-1
91: Test (HOT)
Claim
“ANG LALIM naman noon, wife?” malambing na puna ni Zade sa akin sa pagbuntong hininga ko. Madaling araw na pero gising na gising pa rin ang diwa ko. “Hindi ka ba nag–enjoy sa performance ko?” pabirong tanong nito.
“Ano ba? Tumigil ka na ha, pagod na ako, please lang, Zade” banta ko dito nang pumailalim sa ilalim nang kumot ang kamay nito. Hindi ko na nga mabilang kung ilang ulit ang pagkakataong nakarating sa kaligayahang ilang ulit nang ipiraranas sa akin ni Zade.
At totoo, ibang iba ang lahat kaysa sa mga nararansan ko noon.
“Then bakit parang masyado kang nag–aalala?” usisa nito. Na ikinalunok ko. Naguguluhan pa rin ako kung anong dapat gawin. Alam kong karapatan ni Zade na malaman ang tungkol kay Zayu pero pakiramdam ko mali.
“Kasi…”
“Relax lang, kung ano man ang gumugulo sa isipan mo. Take it easy. Hindi kita minamadaling maging open sa akin. I knew it will take time, naniniwala naman akong soon, magiging okay rin tayo, higit na maayos kaysa sa dating relasyon natin.”
“Salamat,” nasabi ko na lang.
“Ayos lang. Subukan rin nating maging mas open sa isa’t isa. You knew my parents love each other so much. Lumaki akong nakikita ang sweetness nila kahit hanggang ngayon. Gusto ko ganun ang pamilya natin. It was always my dream Yuri. Pero…” bumuntong hininga ito. “Nagkamali ako. I didn’t mean to have a child with Atasha. I swear I never slept with her habang kasal tayo, what happened that time was— wala akong tamang paliwanag sa lahat ng nangyari. Doon pa lang nabigo na akong maging katulad ni Dad.”
“Anak mo si Baby Zen at bata lang siya na kailangan ng isang magulang. He needs you. Kaya kung isang araw kailangan mong mamili sa ganun—”
“Yuri,” anitong napa–upo pa. “Ano bang sinasabi mo? Wala akong kailangang piliin. Your my wife at anak ko si Zen. Nasisiguro kong hindi siya magiging hadlang para maging maayos tayo.”
“Pero si Atasha, hindi siya titigil. Kita mo nga ang nangyari sa’yo dahil sa galit niya sa akin. Hindi mo alam ang ugali niya Zade. She’s—” hindi ko maiwasang mag–init ang sulok ng mata ko. “Maraming tao nang nadamay dahil sa akin.”
1/2
<91 Test (HOT)-1
Claim
“Ano bang sinasabi mo, hindi mo kasalanan ang mga ‘yon Yuri. Alam ko na ngayong selfish si Atasha at nagsinungaling siya sa lahat ng sinabi niya tungkol sa’yo. At sa totoo lang gusto kong ipagpasalamat ngayon na pinilit ako nang parents kong pakasalan ka noon.
“Nagkamali akong sinisi kitang nasira kami ni Atasha. Dahil mas dapat pala magpasalamat akong ikaw ang naging asawa ko. Kaya huwag mo nang iisipin ang mga taong ‘yon mula ngayon. At masaya akong hindi mo sila totoong pamilya, Yuri. I mean it,” seryosong saad
nito.
“Pero si Atasha ang mahal mo at—”
“Yuri, that was a mistake at hindi na mauulit ‘yon. At alam ko sa sarili kong ikaw ang gusto kong maging asawa, until the rest of my life. So stop worrying okay. Kung si Baby Zen ang inaalala mo. I promised hindi siya magiging issue sa pagitan natin. My parents wants him so match at alam kong isang araw, mamahalin mo rin si Baby Zen. He deserve a better mother
too.”
Hindi ko maiwasang mapalunok na lang. Muli namang bumalik si Zade sa pagkakahiga sa tabi ko. “Come closer,” anitong kinabig ako saka muling inilagay sa uluhan ko ang braso nito. “Let’s rest for now, okay.” napatango na lang ako.
Kinabukasan maaga pa rin akong nagising kahit halos ilang oras lang ang naging tulog ko. At dahil may meeting daw si Zade ng maaga kaya sa office na lang umano kami magbreakfast.
Subalit ganun na lang ang pagtataka ko nang makita ko ang bagong kaayusan sa office ni Zade. Nagkaroon pa nang kurtina ang frosted glass wall na division sa office nito. Naurong ang table ko at may steel cabinet na doon na nagsilbing harang para hindi ako kaagad kita kapag may pumasok o bumukas ang pinto.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)