89: I want Daddy–2
Kung puwede nga lang i–block ko na si Martin sa contact ni Yuri pero hindi ko alam ang password nito. At ayaw ko namang paki–alaman ang phone ni Yuri ng walang pahintulot nito. I still need to respect my wife’s personal space. Kaya willing akong mag–antay kong kailan niya sasabihin sa akin ang tungkol sa anak namin.
KINABUKASAN
NAGISING ako sa pinong halik sa mukha ko patungo sa may punong tainga ko. The scent was enough para makilala ko si Zade. Maging ang amoy ng unan ay parang si Zade rin.
“Good morning wife,” malambing na bati sa akin ni Zade. Noon ko nagawang magmulat at balingan ito. Nagbibihis na ito.
“Anong oras na ba?” napahikab pang tanong ko dito.
“Maaga pa, pero bukas ka na pumasok. Alam kong napagod ka sa bagyo ko kaya, rest ka muna dito, uwi ako nang maaga magdinner tayo—”
“Huwag nang dinner,” pairap kong sagot dito pero tumawa lang si Zade.
“Bawal na ang ganyan Yuri, mapagsasamantalahan na talaga kita kapag tumangi ka pa. Sa akin kana ulit kaya wala ka nang kawala.” anitong hinaplos pa ang hita ko. “Wear something to cover your neck, di ko pala napigilan.“paalala nito saka muling hinalikan ang labi ko. “May early meeting ako kaya hindi kita masasabayan ng almusal ngayon. But I’ll be back for dinner. Wait for me.” lyon lang at tuluyan nang umalis si Zade. Saka lang ako napa–upo sa kama, as I thought nasa kuwarto na nga ako ni Zade.
And I’m wearing the nighties na dinala nito galing sa hotel.
Tinatamad pa akong bumangon kaya nahiga na lang ulit ako. Pakiramdam ko ngayon lang ako nakapagpahinga nang maayos. Maaga pa naman kaya matutulog sana muli ako nang marinig ko ang katok sa pinto. Saka iyon bumukas.
Si Aling Susan pala.
“Good Morning Ma’am ilalagay ko lang itong mga damit mo sa cabinet ni Sir imporma nito.
“Bakit?” Nalilitong tanong ko pa na ikinangiti ni Aling Susan.
“Utos lang po ni Sir Zade. Masaya kong mukhang masaya naman kayong umuwi, kahit naabutan kayo nang bagyo,” bakas ang senseridad sa mukha nitong nakangiti. “Pahinga ka na ulit Ma’am.” anitong tumuloy na patungo sa walk in closet ni Zade. Dala ang ilang damit kong nakahanger pa.
89 want Daddy 2
Claim
Hindi na rin naman ako nakatulog kaya nagpasya kong maligo na lang rin. Nag–aalangan pa akong gamitin ang banyo sa kuwarto ni Zade pero dahil nailipat na pala pati ang mga toiletries ko naligo na rin ako. Si Zade pala mismo ang naglipat ng mga ‘yon kagabi kaya iilang damit na lang naman ang dinala ni Aling Susan.
Naging relax ang pakiramdam ko matapos kong maligo. At hindi na ako nagtaka nang makita ko ang mga kiss marked sa leeg ko pababa sa aking dibdib.
Kaya para takpan ‘yon ang sout ako nang turtle neck na damit buti na lang at malilim naman ang araw dahil sa katatapos lang na bagyo.
Hindi na ako nag–almusal dahil plano kong umuwi sa bahay ni Clarence para makita ang anak ko. Nagdala ako nang pasalubong ni Zayu dahil alam kong nabigo ko si Zayu sa pangako kong pag–uwi noong sabado.
Pero pagdating ko ang unang umagaw sa atensyon ko ay ang napakaraming bagong laruan sa living room. Mga stuffed toys at my mga manika pang nakalagay sa malalaking kahon.
“Ate Thelma, sinong bumili nang mga ‘yan?”
“Ah eh…hindi ko po alam, baka po si Sir Gaston.” sagot nitong muling inabala ang sarili sa ginawa nitong pag–aayos nang mga laruan ni Zayu.
“Mummyyy… see my buteflyyyy..” excited na sigaw ni Zayu na buhat ni Ate Rita pababa nang hagdan. “look look..” excited na turo nito nang makababa na pero sa halip na yumakap sa akin nilapitan nito ang malaking transparent box na may butas at nilagyan pa nang mga bulaklak sa loob. “Pretttyyy yeah?”
“Pretty but the butterfly look sad. She’s alone,” sabi ko dito. Kita kong saglit na nag–isip ito. At kaagad nanlaki ang matang lumapit sa akin.
“Call dadddyyy…catch butefly..”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)