11 Ates andered
11: Messed Up
“PLEASE DON’T!” Halos manginig ang boses ko nang harangan ko ang katawan ko. I can’t let Zade touch me again.
“What the—” he was about to grab my arm nang magring ang phone nito. At kita ko ang larawan ni Atasha sa phone ni Zade. Tuluyan na akong napaiyak dala ng labis na pait na umataki sa pagkatao ko na ikinakunot noo nito.
“Anong karapatan mong magalit sa akin Zade, it’s you whose cheating on me with my sister. Kaya wala ka nang karapatang angkinin ako kahit kailan.” Mapait kong sambit na ikinagulat ni Zade. Sinamantala ko iyon para lumayo dito.
“Wala akong—” kuyom ang kamaong saad nito pero hindi na nagawang tapusin ang sasabihin. Mabilis kong binalot ang sarili ko nang kumot ko.
“Get out!” Taboy ko dito sabay turo sa pinto. Tila naman natauhan si Zade na mabilis nang dinampot ang nag–iingay nitong phone at umalis. Nasapo ko na lang ang mukha ko at mabilis na pinahid ang aking luha.
Ilang sandali rin akong nanatili sa ganung ayos. Bago ako nagpasyang kumilos upang magbihis. Sa tingin ko hindi makakabuti kung mananatili pa ako sa poder ni Zade.
What if he force me again tulad ng madalas nitong gawin kapag lasing ito. Buntis pa naman ako at natatakot akong baka kung anong mangyari sa anak ko. I can’t lose my child. Marahang nahaplos ko ang tiyan ko.
“DAMN IT!” Pikang saad ni Zade matapos makipag–usap kay Atasha. Nangungulit itong lumabas sila. Kahit paano ipinagpasalamat niya ang pagtawag nito. Dahil kanina parang wala siya sa kanyang sarili.
Kaya sa asar niya nagpasya na lang siyang lumabas. Tinawagan niya si Javier na kaagad namang dumating sa paborito niyang bar.
“Anong mayroon Sir,” usisa nito saka naupo sa katapat niyang couch.
“Wala bored lang ako,” baliwalang saad niya dito. Saka tinunga ang laman ng kanyang baso. “Letse bakit
ang pait nito.” Reklamo niya. Pero tumawa lang si Javier.
“Siguro kasi nagseselos ka lang kaya—”
“What!” sabat niya dito. “Sira ulo ka ba? Kanino? Ako— Lasing ka ba?” asar niyang sikmat dito.
“Hindi pa Sir, pero mukhang ikaw itong lasing na nang taas na ang boses mo. Di ako sanay.” Nakangising saad nito. Matagal na niyang assistant si Javier, finance manager pa lang siya noon nang maging asisstant niya ito. Pero bago niya narating ang posisyon niya ngayon bilang CEO dumaan siya sa lahat ng department ng Delamer’s Group of Company.
Dahil sabi ng kanyang ama dapat alam niya ang pasikot–sikot ng kanilang kompanya. And indeed it gave
him better understanding how their business works. Kaya naman ngayon madalas na lang nakabakasyon ang kanyang magulang.
At sa sobrang komportable na ata ni Javier sa kanya gusto pa siyang asarin.
“Masyado ka lang nasanay na madali mong nakukuha ang sagot na gusto mo. I guess your wife has changed, Sir” seryoso nitong saad. Kaya napatitig ako kay Javier.
“Ganun ba kayo ka close para malaman mong nagbago na siya?” tiim bagang usig niya dito.
“Hindi Sir, pero iba na ang titig sa’yo ng asawa mo? Mukhang hindi ka na niya mahal!” Napahigpit ang hawak ko sa basong nasa harapan ko. Para kasi akong sinikmuraan ni Javier na hindi ko maipaliwanag.
“Wha—what the fcvk!” Bulalas niya. “of course, she doesn’t love me, and I don’t love her either.” Napapalunok kong sagot dito. Para kasing biglang nabarahan ang lalamunan ko sa sinabing iyon ni Javier. Hindi na ako mahal ni Yuri. Sa isiping iyon ay napaismid siya. “I don’t love her, at higit sa lahat hindi ang tulad ni Yuri ang marunong magmahal. Makasarili siya.”
“Talaga, well baka mali ako, Sir,” bakas ang alinlangan sa mukha nito. “Pero ang alam ko kaya nga di mo ako mapalitan bilang assistant mo dahil hindi pa ako nagkakamali sa mga predections ko right? You told me that yourself,” nakangising saad pa nito.
Totoo naman. Javier has never told him anything na nagkamali ito. Kung mayroon man. Wala pa siyang maalala.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)