87: Taste Again (WARNING)-1
87: Taste Again (WARNING)
NOTE: (Mas Kaunting Slight Mature Content)
NAGISING AKO sa tunog ng lagaslas ng tubig mula sa banyo. Dinig ko pa ang boses ni Zade
na kumakanta kahit medyo sintunado naman.
“Baby I’m falling head over heels
Looking for ways to let you know just how I feel
I wish I was holding you by my side
I wouldn’t change a thing ‘cause finally it’s real
I’m tryna hold back, you oughta know that
You’re the one that’s on my mind
Falling too fast, deeply in love
Finding the magic in the colors of you
You’re the right time at the right moment
You’re the sunlight, keeps my heart going, woah
Know when I’m with you can’t keep myself from falling
Right time at the right moment
It’s you
You, it’s you
You, it’s you… yeah… oh.. ohhh.”
Hindi ko mapigilang matawa habang naririnig ko ang boses ni Zade sa banyo. Hindi naman ganun kasama. Pero ngayon ko lang narinig itong kumanta.
Bumangon ako nang maramdaman ko ang hapdi sa pagitan ko. Tinulugan ko na si Zade dahil ayaw ako nitong tigilan. Hindi naman ako makatangi.
“Baliw ka kasi Yuri Ann,” sermon ko sa sarili ko. Napatingin ako sa wall clock. Alas tres na pala nang hapon. Pero madilim pa rin ang labas. Kita ko ‘yon mula sa bintanang salamin.
87 Taste Again (WARNING)-1
Umuulan pa rin pero hindi na katulad kanina.
Claim
Babangon na sana ako nang siya namang pagbukas nang pinto ng banyo. Kaya natigilan ang pagkanta ni Zade.
“Good afternoon wifey ko.. nakapagrelax ka ba?” nakangiting tanong nito. Nakatapis lang ito ng puting tuwalya sa ibabang parte ng katawan nito. Kaya naman expose sa mata ko matipunong katawan ni Zade. Lumapit ito at hinalikan ang gilid ng labi ko.
His scent instantly filled my nose kaya napasinghot ako.
“Gusto mo bang kumain na muna tayo or maliligo ka muna? Kailangan mo nang warm bath para marelax ka.” anito. “Puwede kitang tulungang maligo hindi pa naman ako nakakabihis,” nakangising aluk nito.
“No, kaya ko na,” tangi ko sabay iwas ng tingin. Pero mahinang tumawa si Zade.
“Huwag mong sabihing ngayon ka pa maiilang sa akin,” pabirong saad nito. “Ligo ka na muna papadeliver ko ang lunch natin. Baka dumating na rin ang spare bed.” anito pa.
“Para saan ang spare bed?” Nalilitong tanong ko dito. Tanda kong sinabi nitong magrerequest ito ng spare bed kanina.
“Hindi safe itong kama para sa atin, wifey. Delikado baka magiba mo.” nakangising saad nito saka tumayo sa harapan ko. Ako pa talaga ang makakagiba ng kama.
Hindi na rin naman ako tumangi pa dahil mukhang kailangan ko rin talagang maligo. Para akong nabugbog nang ilang oras dahil nanakit ang balakang ko.
Pero pagtayo ko napangiwi naman ako. Talo ko pa ata ang naberginan nito.
“Okay ka lang, ligo ka na gamutin natin ‘yan mamaya para gumaling agad?” makahulugang saad nito. Hindi na ako nagreklamo o nagtanong pa. Mas kailangan ko na talaga nang ligo para marelax.
Nakaset na ang warm shower para sa akin pagbukas ko nang shower. Relieve ang nadama ko nang sa wakas bumuhos sa katawan ko ang warm water. Naglinis na lang ako nang mabuti nang katawan ko pero hindi ko maiwasang mapangiwi dahil mahapdi talaga ang pagitan ko. Kinapa ko ‘yon pero wala naman akong naramdamang sugat o kahit na ano.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)