Login via

Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri) novel Chapter 145

80: Paninindigan2

Eh bakit ikaw lumaki ka namang mabuting tao?ganting tanong nito. Yuri umamin ka nga hindi lang si Baby Zen ang problema hindi ba?nanantiya ang tinging ibinigay nito sa akin. Kaya hindi ko maiwasang magiwas ng tingin.

Pero tumawa lang si Moira na parang alam kong anong tumatakbo sa utak ko. Naniniwala ka ba talagang ginagawa ni Zade to dahil sa parents niya?

May iba pa bang dahilan?balik tanong ko dito.

Buksan mo naman kasi ang mata mo, girl. Mahal ka kaya nang asawa mo.

Huwag ka ngang patawa d’yan. Hindi ako gusto ni Zade. Naoobliga lang siya dahil kasal pa rin kami. At iyan ang dahilan kaya ayaw kong makita niya si Zayu. Dahil lalo lang siyang maoobliga.Depensa ko. Totoo naman kasi. At yan ang isang bagay na hindi ko magagawang paniwalaan Moi. Hindi talaga.Ilang ulit at paulitulit sinabi ni Zade sa akin noon na si Atasha lang ang babaing para sa kanya. Kaya paano niya ako mamahalin kong hindi nga niya ako maalala.

Ako lang naman ang tangang umasa na baka sakaling maalala pa niya ako.dagdag ko pa. Ano ba yan ikaw tong problemado pero buhay ko ang issue mo. Umayos ka nga. Give Clarence a chance. Mahal ka noon, hindi lang talaga siya expressive madalas.pagiiba ko na rin ng topic.

It’s still a no, saka nagdecide na pala ako. Aalis na muna ako Yuri?

Ano? Teka last time ako ang pinagbabawalan mong umalis dahil maiiwan kang magisa tapos ikaw naman pala itong lalayo.

Pansamantala lang naman, magpapalamig, bakasyon or next jowa hunting.anitong alanganin pang tumawa.

Seryoso ka ba?

Oo naman?lompiyansang sagot pa nito pero alam kong peke ang ngiti sa labi ni Moira.

Okay ayaw mo na nga kay Clarence, paano si baby Javier mo?pabirong tanong ko dito.

Split na kami. His too perfect para sa akin Kaya friends na lang kami ngayon. Mabait siya pero para rin siyang si Clarence, magkaiba lang ng slight sa ugali. Kasi mas kalmado si Javier. I guess I’m destined to be alone. Kaya ikaw huwag ka nang gumaya sa akin puwede ba, at maniwala ka. Mahal ka ni Zade. Hindi lang siguro niya kayang sabihin pero itataya ko lahat ng split ends ko. Mahal ka ng asawa mong yon

<80 Paninindigan2

Claim

Ang kulit mo rin talaga no,naiiling kong saad. Alam mo sa totoo lang hindi ko pa rin malaman kung bakit nagbago ang pananaw mo kay Zade samantalang dati naman ayaw mo sa kanya.Kita kong natigilan si Moira at tila nagisip.

Okay sige, para na rin patunayan ko kay Clarence na end game na kami. Gagawin ko na ang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin ko.anitong biglang sumeryoso bago kinuha ang phone nito. Saglit itong nanahimik at maya maya pa ay tumunog ang phone mo.

Tingnan mo muna yang account na yan bago mo isiping tapusin na ang lahat sa n’yo ni Zade. Si Baby Zen, alam kong kaya mo naman siyang tangapin eh. Baby pa lang siya at kailangan niya nang tamang pamilya. Magiging masaya pa si Zayu na may little brother na siya diba.

Ano ba Moinagpasya na ako. Hindi na mababago nang kahit na ano ang pasya ko. Ipapakuha ko na lang ang gamit ko sa bahay niya.

Well see about that girl. Kung ako nga nakombinsi ni Zade eh. Kaya nga Zayu ang ipinangalan ko sa baby n’yo. Walang masama sa second chance kung deserve naman ng tao ang second chance,seryosong saad nito.

Ako naman ay napatitig na lang sa message ni Moira. It was a link.

Ano ba kasi to, Moira?

Iyong sagot na gusto mo.anitong ngumiti ng matamis kahit malungkot naman ang mga mata nito

Zindy Rivera

Verify captcha to read the content.VERIFYCAPTCHA_LABEL

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)