76: Palusot–2
“Kanina pa ba siya?”
“Ah oo, pagka–alis mo ata dumating na rin. Kaya napaaga ang meeting.” sagot ni Javier, saka nagtungo na sa table nito. Wala naman akong choice kundi ang pumasok sa opisina ni Zade. Pero napapaisip ako sagot ni Javier. Bakit parang iba ang ang sinabi noong babae kanina.
“Close the door,” madiing utos nito. Ginawa ko naman. “Saan ka galing ha, tama bang umaalis ka sa oras ng trabaho, ha Mrs. Dela Merced?” seryoso nitong usig pero gusto ko
namang matawa sa tawag nito sa akin.
“May pinuntahan lang akong importante kaya ganun. Sabi mo naman puwede akong umalis ng office kapag may aasikasuhin ako diba,” paalala ko dito.
“Ganun ba kaimportante ‘yon para umalis ka na lang bigla, sana inantay mo na lang ako. Nagmadali pa tuloy ako,” reklamo nito.
“Pasensya na, puwede mo naman kasing puntahan ang anak mo kapag weekend bakit office hours ka kasi pumunta.” Ganting sermon ko dito. Alam ko namang ang anak nito kay Atasha ang dahilan kaya ito umalis. Pero hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit bigla akong naparanoid.
Tapos ang tagal pa ng iyak ni Zayu nang hindi makita ang tinawag nitong Daddy. Kahit kay Martin o kay Clarence hindi naman umiiyak ng matagal si Zayu kapag umaalis ang mga ito. Minsan pa nga kusa pa itong nagbaba–bye.
And Zayu crying over a stranger was a bit weird for me. Kaya hindi ko maiwasang mag–isip ng bagay na alam ko namang imposible.
“Hindi ka naman lumabas para makipagkita sa Martin na ‘yon diba?” Usig nitong ikinagulat
“Hindi ako nakipagkita kay Martin okay, may inasikaso lang ako.”
“Ano naman?” nanantiya ang titig nito. As if he was testing me.
“Pinuntahan ko si Dad, bakit ba?”
“Sa susunod kapag umalis kang walang paalam–”
“Puwede ba Zade,” I cut him off na ikinagulat nito. “Wala sa usapan natin na lahat ng lakad ko dapat alam mo. Uuwi ako sa weekend kahit hindi ka pumayag Dapat ilaan mo rin ang
oras mo sa anak mo kapag weekend,” sermon ko dito.
< 76 Palusot–2
“lyon nga rin ang gusto ko eh,” sagot nitong lumabot ang ekspresyon.
Claim
“Then do it!” utos ko dito. Bakit parang kailangan pa nito ng approval para gawin ang bagay na dapat ginagawa naman talaga nito.
“Hindi ka ba magagalit kapag ginawa ko ‘yon?”
Di ko naiwasang matawa dito. “Zade hindi mo kailangan ng approval ko para makasama mo ang anak mo. Obligasyon mo ‘yon bilang ama. Hindi iyong iaasa mo na lang sa parents mo ang pag–aalaga sa anak mo.”
“Ah.. si baby Zen ba ang topic natin, akala ko ibang baby.” nakangisi pang tanong nito na ikinakunot noo ko. Kanina parang masyado itong high blood.
“May iba ka pa bang anak,” may diing sagot ko pero napalunok naman ako kaya ko tinalikuran si Zade para umiwas ng tingin.
Quarter to four pm na rin naman kaya hindi ko na binuksan ang laptop ko. Inayos ko na lang ang gamit ko para maka–uwi. Subalit napatigil ako sa ginagawa ko ang nakatayo pa rin sa harapan ng table ko si Zade.
“Bakit?”
“Next time huwag kang aalis ng office kapag wala ako. O kaya tawagan mo ako bago ka umalis.” seryosong saad nito saka ako tinalikuran. “pati singit ko muntik nang pagpawisan.” dinig kong monologue nito. Pero umagaw sa mata ko ang tuyong damo sa sahig.
“Saan ka ba nagpunta Zade?”
“Narinig mo naman sa anak ko diba,” sagot nito saka naupo sa swivel chair nito. “Napagod nga ako eh.”
“Okay, pero… wala namang damuhan sa bahay ng parents mo hindi ba,”
“Wala bakit?”
“Paano nakarating ang ganyan dito sa opisina mo?” ani ko sabay turo sa tuyong damo sa sahig. Napilitan ulit itong tumayo para tingnan ang tinuturo ko. Kita kong pagkagulat sa mukha nito pero agad rin itong umiling.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)