69: Push or Pull–2
I had to see it myself–then maybe I can-. Literal na napa–iling ako. Ayaw kong isipin.
“Yuri,” tawag ko dito.
“Bakit?” sagot nitong hindi pa rin tumingin sa mukha ko. “Okay na.” anitong muling inayos ang polo ko.
“Sabihin mo may tinatago ka ba sa akin?”
MUNTIK NA akong masamid ng sarili kong laway sa tanong na iyon ni Zade? Subalit mabilis naman akong nakabawi kaya napilitan akong makipagtitigan dito. Naiilang kasi akong titigan si Zade habang ginagamot ko ang sugat niya. Naiisip ko ang nangyari kanina. Kung hindi ako natauhan kaagad. Baka kung ano nang nangyari. At iyon ang hindi ko papayagan.
Minabuti kong magfocus na lang sa ibang bagay habang malapit ako dito.
Hindi ko rin kasi mapigilang ma–distract kapag nakikita ko ang magandang katawan ni Zade. Wala pa rin kasing nagbago sa katawan nito. He still looks hot and— marahas akong umiling para burahin ang bagay na naglalaro sa isipan ko.
“Ano namang itatago ko sa’yo?” sagot ko nang makabawi. “I had no reason to hide anything from you Zade,” sinikap kong lagyan ng kombiksyon ang sagot kong ‘yon.
“Nakaka–abala ba sa’yong kasal pa rin tayo?” Muling tanong nito kaya muli akong napatitig sa mukha ni Zade. “Anong dahilan mo para igiit ang annulment?” Asar na sinamaan ko ito nang tingin sa tanong nitong ‘yon.
“Puwede ba Zade, since we got married ikaw itong ata’t na makipaghiwalay sa akin? It’s you who wanted it badly dahil kay Atasha. Kaya hindi ko rin maintindihan kong bakit ayaw mo pang i–processo ang annulment. At kong nahihirapan ka man ngayon, ikaw na ang may problema at hindi ako. Ikaw ang ayaw kumilos.”
“Eh pano kung ayaw ko na nga nang annulment.”
Di ko napigilang matawa dito. “Ah talaga! Nakakatawa ka Zade. Ni hindi mo nga kayang bitawan si Atasha tapos ayaw mo nang annulment!” sumbat ko dito a ikinagitla nito. “Muntik ka na ngang mamatay pero mas pinili mo pang palayain siya. For what? Para sa anak n’yo?” patuyang tanong ko dito.
Alam na alam ko kung bakit hindi niya hahayaang mapahamak si Atasha. At iyong pera malamang para tulungan ang mga Montefalco. Kuripot si Zade, pero pagdating kay Atasha. Kaya nitong gumastos ng malaki.
40 Push or Pull 2
Claim
Dahil si Atasha lang naman ang babaing mahal ni Zade. Sa isiping iyon, nag–init ang mukha
ko sa inis.
“Yuri, ginawa ko lang ang sa tingin kong mas makakabuti, for baby Zen sake.”
“Talaga, para sa anak n’yo, huh. Stop lying to my face Zade. Ikaw ang may gusto noon. And maybe you save me para hindi nga siya tuluyang mapahamak. Yan ang nakikita kong dahilan kung bakit mas dapat na tayong maghiwalay!”
Kita kong natigilan ito at saglit na walang masabi. “Nalinis ko na ang sugat mo, uuwi muna ako. May dinner kami sa bahay. At doon rin ako matutulog.”
“Sige,” sagot nitong ipinagtaka ko. Hindi iyon ang inaasahan kong sagot mula dito. Malamang nakapag–isip ito sa mga sinabi ko. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Mabilis akong kumilos para umuwi. Baka magbago pa ang isip ni Zade.
Nagpahatid na lang ako sa driver nitong si Ivan. Isa ito sa mga bodyguard ko dati. Buong araw kong hindi nakita si Zayu kaya miss ko na ang anak ko. Ang sabi ni Moira, dinala daw ni Martin kanina ang bata sa bahay ni Mrs. Alejoros. Gustong gusto rin kasi nito ang anak ko.
Matapos kong magpasalamat sa driver ay umalis na rin ito. Excited naman akong pumasok sa main house. Nasa living room sina Dad at Martin, habang si Zayu ay nakatayo sa sofa katabi ni Dad Gaston na puro powder na ang mukha.
“Prettty, Lo Dad,” pumalakpak pa si Zayu sa ginawa nito sa abuelo.
“Masaya kang ginawa mo si grandad na babae, batang ‘to.” Nakatawang saad nito sa bata sabay pisil ng ilong ni Zayu. Kaya napalingon si Zayu sa direksyon ko.
“Mummmyy!” tili nitong mabilis na lumundag mula sa sofa. Sabay namang napaalalay sina Dad Gaston At Martin sa ginawa ng anak ko na baliwalang pinag–alala ang mga nagbabantay dito. “Mummy, mummmmy…” tuwang tuwang tawag pa nito sanay taas ng kamay para magpakarga.
“Miss mo si Mommy? Miss din kita baby ko.” ani ko kay Zayu sabay ganti ng yakap dito. Pero naagaw ang atensyon ko nang magring ang phone ni Dad, na napakunot noo pa saglit bago sinagot ang tawag.
“Bakit?” He asked and paused. Saka ako binalingan. “If your that eager to know bakit hindi mo alamin,” anang ni dad sabay tawa. Saka ito tumayo na.
“Lo Dad,” tawag ni Zayu dito.
“Later ulit apo, play with your Mommy for now.” anito sa batang ngumuso naman.
“Kumain ka na?” tanong sa akin ni Martin nang nakalapit ito sa amin. “Ako na muna kay Mia.”
69 Push or Pull 2
Claim
“Ayos lang Martin, maghapon mo raw kasama ang bata. Sa likot nito malamang napagod
ka.”
“Si Mama ang napagod sa kanya. Ayaw nga sanang pauwiin eh,” anitong matamlay ang mukha. “Yuri, kailangan ba talagang manatili ka doon? Kita mo nang nagawa pa niyang
palayain ang babaing ‘yon.”
“Kasalanan ko kaya nasaktan si Zade. Mas magiging mahirap kong ako nang nasaktan.”
“Kung tutuusin puwede kang magdemanda para makulong na talaga si Atasha. Ikaw ang tinangka niyang saktan. Kaya nararapat lang na—”
“Huwag na nating pag–usapan ‘yon Martin. Siguradong hindi magiging masaya si Zade kapag nakulong si Atasha. Alam kong higit sa anuman si Atasha pa rin ang mahalaga sa kanya,” sagot kong hindi ko maiwasang mapalunok na lang.
“But it pains me to see you in pain Yuri. Huwag mo nang hayaan masaktan ang sarili mo dahil lang—”
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)