9: Become my Family–1
9: Become my Family
MATINDING takot ang lumukob sa pagkatao ko nang itulak ako ni Atasha. Malakas ang kabog nang pulso
“No! Ang baby ko!” halos pigilin ko ang aking paghinga. At lihim na nagdasal sa Diyos para iligtas ang anak ko.
“Yur!” dinig ko ang malakas na sigaw nang boses na ‘yon. Pero ang takot sa puso ko ay mas nangingibabaw sa lakas ng pintig ng puso ko.
“Oh God!” sambit ko nang may brasong bigla na lang sumalo sa akin. Kaya’t hindi ako tuluyang natumba.
“What the hell!” halos mabingi ako sa malakas na sigaw ni Zade. Hindi ko alam kung ako ba ang sinisigawan niya. Pero maingat akong inalalayan nitong makatayo.
Sa takot ko wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko.
“She’s started it! Itinulak niya kasi ako, Zade look at me I’m so dirty, eww.!” tila batang sumbong ni Atasha
dito.
“Bakit ka kasi nandito? Nasaktan ka ba?” baling sa akin ni Zade, dahilan upang mapatitig ako sa mukha
nito. Noon ko nakita ang pag–aalala sa mata nitong hindi ko alam kung bakit.
Nag–alala ba talaga siya.
“Bakit akong sinisigawan mo, dinadalaw ko lang naman si Yuri. Saka ako ang nasaktan dito eh.” napapandyak pang protesta ni Atasha kaya tumilamsik ang mga putik sa paanan nito. “Yucks!” diring–diring sigaw nitong tila batang gusto nang umiyak.
“Bakit mo siya itinulak?” baling ni Zade sa akin. As usual si Atasha ang paniniwalaan nito. Tumingala ko sa
CCTV na naroon.
“Itanong mo na lang sa CCTV” malamig kong sagot dito na ikinagitla ni Zade, saka ako nang lakad pero muntik pa akong matumba dahil nangangatog ang mga tuhod ko. Mabilis naman akong inalalayan ni Aling
Susan na nakita ang pangyayari.
“Namumutla ka Ma’am.” nag–aalalang saad nito.
“Ayos lang po ako. Pahingi na lang po ng tubig.” paki–usap ko dito.
“NOW TELL ME bakit ka nandito? Hindi ba sinabi ko na sa’yong huwag kang pupunta dito para wala kayong problema ni Yuri.” nahahapong sermon ko kay Atasha.
Matapos nang pag–uusap namin ay nagpasya akong umuwi dahil sa tawag ni Aling Susan. Nagsusuka raw umano si Yuri matapos nitong kumain kanina. Kaya hindi ako natahimik at umalis na rin ako pagka–alis ni Atasha. Pero ito ang naabutan kong eksena.
“Dinalaw ko lang naman siya eh, pérʊ kung anu–ano pang sinabi niya.” pairap nitong sagot.
“Halika na ihahatid kita. Don’t do that again okay” sermon ko pa rin dito.
“Gener, paki–alis iyong mga batong naroon.” tawag ko sa hardinero. Kung hindi ko nasalo si Yuri, Siguradong bagok ang ulo nito sa mga batong naroon. At hindi ko alam kung bakit labis na takot ang umaataki sa akin dahil doon.
Tahimik ang naging biyahe namin ni Atasha. Patungo kami sa condo nitong kinuha ko nang bumalik ito ng bansa.
“Hindi mo ba ako ihahatid sa loob?” nakangusong hirit nito. Bakit ngayon ko lang napapansing parang batang umasta si Atasha, lately.
“Kailangan kong bumalik sa office, umuwi lang ako dahil may kukunin akong papeles.” pagdadahilan ko dito.
“Okay, puntahan mo ako after office mo ha, magdinner tayo together. Wine and steak, sounds good
right?“anitong pinalambing pa ang boses.
“Sige, kapag natapos ko ang trabaho ko.”
“Anung klasing sagot naman ‘yan Zade?” asar na saad nito.
“Sabi ko busy ako diba. Sige na babalik pa ako sa office.” taboy ko kay Atasha nang maihinto ko na sa
tapat ng building ang kotse. Nakokonsenya naman kasi akong si Yuri ang tumatakbo sa utak ko ngayon.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)