6 Mga Talunan 1
Claim
60: Mga Talunan–1
60: Mga Talunan
NAKABIBINGI ang ingay sa club nang pumasok kami sa loob. Madilim kaya maingat ang bawat hakbang po lalo’t mataas ang heels ng sandals ko.
“Careful,” ani ni Martin na inalalayan pa ako. “Sino bang ka–date niya?”
“Hindi ko alam eh.” sagot ko dito sa medyo malakas na boses. Masakit rin sa mata ang papalit–palit na ilaw dahil sa mga nagsasayaw sa dance floor. Mabuti na lang at hindi ganun ka–ingay sa second floor. Pero ang higit na umagaw sa atensyon ko ay ang taong familiar sa
akin.
“Isn’t that?” wala sa sariling sambit ko.
“There he is,” excited na saad ni Moira at patakbo pang lumapit kay Javier.
“Siya ang ka–date ng kaibigan mo?” Takang tanong ni Martin habang palapit kami sa mga ito.
“Sorry girl, hindi ko na sinabi sa’yo baka kasi hindi ka pumayag kapag nalaman mong si Javier ang ka–date ko.”
“Kumusta M’am Yuri,” magalang na bati ni Javier pero hampas sa braso ang isinagot ni Moira
dito. “Ahhh…”
“Boss mo ba ang bff ko?”
“Asawa siya ng—” kusa itong tumigil saka napatingin kay Martin. ” Upo na kayo,” aluk na lang nito. Sa tabi ko naupo si Moira kaya walang nagawa si Martin kundi ang tumabi kay Javier.
“Baka naman sinabi mo pa sa boss mo na nandito si Yuri,” usig ni Martin dito.
“Wala na sa office hours kaya hindi ko na trabahong magreport sa kanya. Saka hindi ko alam na si Ma’m Yuri ang kasama ni Moira,” bakas ang kombiksyon sa mukha ni Javier. “Pero wala naman masama kung nandito si Sir Zade. Maganda ang may kompitinsya diba.”
“Oi Javier, sabi mo hindi magiging topic ang boss mo. Nakakahiya kay Martin. Mabuti pa mag–order na tayo.”
“Okay na, nag–order na ako. Sana lang magustuhan mo.”
“Ayyy…ang sweet mo naman,” kinikilig pang saad ni Moira. “Ganyan talaga ang bet ko sa guy, girl. Iyong sweet at understanding.”
Hindi naman nagtagal ay dumating na ang pagkain at alak na order ni Javier.
Mga Tarunan 1
“Ang dami naman nito, saka parang fav ata ‘to lahat ni Yuri,” nakangusong puna ni Moira.
“Ah ganun ba, sorry ‘yan kasi ang mga pagkain seni–serve nila dito. Hayaan mo next time sabihin mo kung anong gusto mo para iyon ang orderin natin.”
“Masyado kang galante. Special dish lahat ng ‘to.” Puna ni Martin na nakakunot ang noo.
Clarm
“Sus, dami mong alam. Kumain ka na nga lang o kaya uminum ka. Libre ko na ‘to.” anitong inabot na isang bote kay Martin ang beer na mabilis nitong binuksan.
“Hindi ako sanay na nalilibre sa inuman lalo na kung may kasama akong date kaya babayaran kita.” seryosong saad ni Martin na uminum na rin ng ibinigay ni Javier.
PANAY ANG tingin ko sa wrist watch ko. Nag–aantay ako nang miss call ni Javier. Pero dahil naiinip na rin ako nagpasya akong bumamaba nang kotse para mag–inat na rin.
Nagulat ako ng umagaw sa atensyon ko ang nagmamadaling si Clarence na akala mo susugod sa digmaan sa pagmamadali nito. Kaya sinadya kong sabayan ito. Bahala na kong wala pa ang abiso ni Javier.
Sa hitsura ni Clarence mukhang plano nitong maghanap ng gulo.
“Magbabar ka rin ba, Clarence?” Nagawa kong ngumiti dito. Alam kong ayaw sa akin ni Clarence noon pa naman. Kahit paano nahiya rin naman akong pinag–isipan ko ito nang masama. Ngayon mas nauunawan ko na kung bakit over protective ito kay Yuri.
Dapat nga lang naman niyang protektahan si Yuri laban sa akin. May parte sa pagkatao kong masaya rin na may mga taong handang protektahan si Yuri. “Anong ginagawa mo dito?” Painosenting tanong ko pa.
“Paki–alam mo ba, hindi tayo close kaya huwag mo akong kausapin,” asar na singhal nito. Saka ako nilampasan.
“Mukhang mapapasubo pa si Javier.” Nailing kong kausap sa sarili ko saka ako sumunod
dito.
Meanwhile…
“Ahhgg…” napatitig si Yuri kay Martin habang sapo ang tiyan nito.
VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)