1: Mapait
NATUPOK Na ang kandilang sinindihan ko sa ibabaw nang cake. Labing dalawang araw bago ang pasko. Ito ang wedding anniversary namin ni Zade. Subalit alas diyes na nang gabi. Malamig na ang pagkaing pinaghirapan kong ihanda para dito, pero wala pa rin ang aking asawa.
Kinailangan ko pang uminum ng anti-allergy pagkatapos dahil iniluto ko ang mga paborito nitong pagkaing seafoods. Which I am allergic to. Pero mukhang bigo na naman ako.
Tatlong taon na akong kasal sa asawa kong si Zade Larzon Dela Merced. Ang CEO nang DELAMER's Group of Company. Pagmamay-ari nila ang ilang hotels at mga condumimum sa boung NCR. At mula nang hawakan ni Zade ang kompanya nang ama nito. Mas lumaki pa nga ang mga yaman ng pamilya nito. Mayroon na ring itong nacquire na Logistic company isang taon na ang nakakaraan.
"Ma'am ililigpit ko na po ba ito?" mahinang tanong sa akin ni Aling Susan. Nagawa ko pang sulyapan ang mga pagkaing pinaghirapan kong ihanda. Another wasted efforts pero hindi pa rin ako nagsasawa. Isang mabagal na tango lang ang ginawa ko bilang tugon dito. At mapait kong tinitigan ang cake na pinaghirapan kong gawin para kay Zade. Hindi ko na tiningnan si Aling Susan dahil alam kong kinakaawaan lang naman niya ako.
Buong buhay ko iyon lang naman ang natatagap ko mula sa ibang tao. But no one dare to make me feel na puwede rin akong mahalin. Dahil kahit ng mga katulong sa mansion ng magulang ko takot na magpakita ng awa para sa akin. Dahil ikagagalit 'yon ni Atasha. And my parents didn't care about that. Dahil si Atasha ang priority ng lahat.
Ako--I was nothing.
Dapat wala lang ako, hindi ako dapat maging mas mataas kay Atasha. Buti pa nga ang hangin, hindi mo naman nakikita pero nararamdaman mo pa rin. Noon kahit iyon kinaiingitan ko.
Kaya kahit nahihirapan ako sa sitwasyon ko bilang asawa ni Zade mas gusto ko nang manatili sa bahay niya. Dahil kahit paano, hindi naman ako inaalila ni Zade tulad ng pamilya ko.
Mabigat ang mga paang pumanhik ako sa silid ko. Hindi ko alam kong tama ba ito? Dahil minsan napapagod na rin ako. Pero hindi ko maiwasang umasam na kahit isang beses lang maramdaman kong may nagmamahal rin sa isang tulad ko. At umaasa pa rin akong balang araw makikita rin ako ni Zade Larzon bilang kanyang asawa. At hindi makasalanang babaing sumira sa magandang pangarap nito.
Pero sino ba ang inuuto ko? Nakikita lang ako ni Zade kapag kailangan niya ang katawan ko. He told me it was my duty to satisfy him in bed. Dahil kasalanan ko kaya nasira ang kanyang pangarap. Kasalanang hindi ko naman alam kong paano nangyari.
Pero siya--- wala siyang obligasyong igalang ako bilang asawa niya.
Pagdating ko sa kuwarto ay binuksan ko ang TV para maglibang pero lalo lang akong nanlumo sa nakita kong live fashion show na umiere sa screen.
Rumarampa doon ang kapatid kong si Atasha. She's my older sister, pero hindi ito pumapayag na tawagin ko siyang ate dahil isang taon lang raw ang age gap namin. Twenty two ako ngayong taon. Papatayin ko na sana ang TV nang magbago ang focus ng camera at napunta sa lalaking kanina ko pa dapat hinihintay.
"Zade!" mapait kong sambit.
The man was oozing with his undeniable charm and charisma. Walang sinumang hindi mapapalingon kapag dumaan o makita ito. Zade is an American-Turkish-Filipino. His physique was jaw dropping a sight to be hold. Lalo na kung nakahubad ito. I had seen him naked many times kaya alam ko.
He was tall about 6'3, tanned skinned, well-built body na hahangarin ng kahit na sinong babae. He was a perfect figure na puweding gawing modelo. O Kaya isang male lead sa isang pelikula.
Naglamlam ang aking mga mata habang pinagmamasdan ko si Zade sa tv screen, nakatingin sa kapatid kong mala-diyos ang kagandahan na rumarampa sa runway.
Habang naghihintay akong parang tanga sa bahay, abala naman pala ang asawa ko sa pagbabantay sa kapatid kong pinakamamahal nito.
Yes. My husband was in love with my sister.
She's a saint for Zade. At ako ang masama at ipokrita, maldita at peke. Mangagamit at walang kuwenta. He was so blind to see what kind of life I was into, kasama ng kinikilala kong pamilya.
I was an outcast.
Unknown.
Unseen.

VERIFYCAPTCHA_LABEL
Comments
The readers' comments on the novel: Misery of His Unlove Wife (Zade and Yuri)